분야별
상태 업데이트 중
모두진행 중완성
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
Romance
1012.8K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Back to Me

Back to Me

Tiwness96
PAG-IBIG Animo'y naubusan ng dugo sa putla si Mia nang ipakilala ng mag-asawang Fuchs si Phineas. Ang estrangherong kaniyang sinuntok at tinadyakan thirty minutes ago sa loob ng airport. Hindi naging maganda ang nagdaang araw ni Mia sa mansiyon simula nang dumating si Phineas. Inis na inis siya sa ginawa nitong pagkuha ng litrato habang magkatabi silang natutulog. Nawindang pa siya nang bigla nalang nagbakasyon si Miss Ivy at ibinilin nito sa kaniyang gumawa ng paraan para hindi umuwi ng Germany ang kaniyang mainiping unico hijo. Hindi alam ni Mia kung ano ang gagawin kay Phineas na palagi nalang siyang iniinis at hindi siya sineseryoso. Sabi pa nito’y she effortlessly beguiled him with her cute curves on her lips na mas lalo pa niyang ikina bwesit ang tono nitong sarkastiko. Sa pagdaan ng mga araw ay nagamay din ni Mia kung paano pakisamahan si Phineas. Hindi niya akalaing aabot sa puntong hindi niya naasahan ang pusong pigilan ang nararamdaman at naisuko ang lahat sa lalaki. Akala ni Mia ay maayos ang lahat hanggang sa isang umaga’y naabutan niya si Phineas na nagmimilagro sa sariling kuwarto kasama ang isang babae. TRAHEDYA Pinatay ni Mia ang kaniyang sarili sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sinabayan niya ang isang trahedya na kinasangkutan niya at ng kaniyang pamilya. Upang paghandaan ang paghihiganti sa walang awang umubos ng buhay ng kaniyang pamilya ay umalis si Mia ng San Martin dala ang nakakakilabot na karanasan at ang sakit ng pag-ibig na kaniyang labis na pinagsisisihan. Paano kung sa pagkalipas ng tatlong taon ay dalahin si Mia ng kaniyang paghihiganti pabalik sa San Martin at makitang muli si Phineas? Mapanindigan kaya niya ang binuong bagong mukha at pagkatao? O tuluyan ng susuko ang kaniyang puso?
Romance
1.4K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
356 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Caged by the Possessive Billionaire

Caged by the Possessive Billionaire

Isang aksidente ang akala ni Fily kung bakit sila naghirap at nawala ang kanyang memorya. Ngunit isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa kanyang buhay at inalok siya bilang sex slave. Kapalit nun ay ang kaligtasan ng kanyang ina sa hospital. Ngunit hanggang saan ang kaya ni Fily lalo na pag nalaman nitong ang lalaking pinagbibigyan niya ng sarili ay ang kanyang ex-boyfriend? Hanggang saan ang kaya ni Fily kung ang tinuring na matalik na kaibigan at ang pinakamamahal nitong lalaki ay magkasintahan. Anong mangyayari kay Fily na tuluyang nahulog ulit sa lalaki sa pangalawang pagkakataon? Paano kung ang lahat ng pinakita ng lalaki ay purong laro at paghihiganti sa pag-iwan ng babae?
Romance
1012.4K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
When You Were Mine

When You Were Mine

QueenVie
Buong akala ni Kamila ay natagpuan na niya ang lalaking babago ng kaniyang buhay. Ang lalaking handa siyang mahalin ng totoo at tapat. Ngunit ang inaakala niyang mala-fairytale na buhay ay naging kabaligtaran pala nang malaman niya ang lihim ng asawa. Higit pa doon ay ang ginawa nito upang taposin na nang tuluyan ang taling nagdurugtong sa kanila. Sa kaniyang pagbabalik ay sinisiguro niyang magbabayad ng malaki ang may kagagawan kung bakit nawala sa kanya ang lahat. At uunahin na niya ang asawang si Miguel Coleson Guevarra. . . Ngunit paano kung ang paghihiganti ay mauwi sa isang mainit tagpo? Magagawa pa kaya niyang lunukin ang galit at magpalamon muli sa kaniyang emosyon?
Romance
103.7K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
The Cold Heartless Bitchy Nerd

The Cold Heartless Bitchy Nerd

Angelica Demonista Sanchez Smith, nag-iisang anak ng isa sa top businesswoman sa mundo. Isa siyang nerd o jologs kung tawagin ngunit sa kabila nito ay may bagay na hindi pangkaraniwan itong ginagawa. Hindi lang din siya basta isang anak ng mayaman, may iba pang kinabibilangan ang kaniyang angkan. Mayroon din siyang masalimuot na nasaksihan mismo ng dalawa niyang mata. Paghihiganti, ito ang gusto niyang gawin para mabigyan ng katarungan ang pagkawala ng kaniyang ama, naniniwala siyang wala itong kasalanan. Ngunit, magbabago kaya ang kaniyang isip? O mananaig pa rin ang kaniyang kagustuhan na maghiganti para sa ama? O may iba pa kaya siyang gusto?
Mystery/Thriller
1013.1K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.
Romance
106.5K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Hindi alam ni Cheska Vega kung kamalasan ba o tadhana ang naglapit sa kanya sa apat na gwapong propesor ng campus. Ang plano lang niya ay makatapos nang tahimik, pero napasok siya sa isang lihim na set up na puno ng tukso at bawal na pagnanasa. Ngunit paano kung sa gitna ng larong bawal ang puso, siya mismo ang unang madapa? Sa bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog siya sa apoy ng kanilang lihim na relasyon. Ang mga lalaking dati’y simpleng pantasya lang, unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. Ngunit sa likod ng halakhak at init, hanggang kailan niya kakayaning itago ang kasalanang ito? At sa apat na lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal sa paraang bawal… sino ang pipiliin ni Cheska sa dulo ng lahat ng tukso?
Romance
317 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Married to Ruin you

Married to Ruin you

Akala ni Averill Alarcon, sapat na ang sakit nang ipagpalit siya ng nobyo sa ibang babae. Pero hindi pala roon nagtatapos ang kanyang pagkawasak. Sa isang iglap, itinapon siya ng kumpanyang itinayo niya sa sariling kamay — siniraan, pinagtulungan, at itinaboy na parang walang kwenta. At sa gabi ng kanyang pagbagsak, dumating si Sebastian Dela Vega — ang CEO na kilalang walang puso, brutal sa negosyo, at mas bihasa sa laro ng kapangyarihan. Isang kasunduang kasal ang inalok niya… kapalit ng paghihiganti ni Averill sa mga taong sumira sa kanya. Pero sa likod ng kasunduang iyon, mas malupit pa pala ang kapalit. Dahil si Sebastian—hindi lang siya gagamitin, kundi unti-unting dudurugin… Kasal ba ito para sa kanyang tagumpay? O para tuluyang sirain siya
Games
328 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.4K 조회수완성
읽기
서재에 추가
이전
1
...
1718192021
...
50
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status