Isabella Flores
" Salamat kung ganoon. Nakakatuwa naman dahil nagagawa ko pala talagang haplusin ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng mga isinusulat ko."
" Naku, sobra pong laking tulong sa mga kagaya kong walang tiwala sa sarili. Hindi po masyadong mataas ang kumpiyansa ko lalo na sa pag-abot ng mga pangarap na suntok sa buwan, pero noong magsimula po akong magbasa ng mga gawa niyo, doon ko po napagtanto na kaya ko pala basta kikilos ako at huwag magpapaapekto sa mga negatibo sa paligid ko, " anito saka napapitik sa hangin. " Isa po sa mga linyang paborito ko sa isa sa mga libro niyo ay iyong 'hayaan mong lamunin ka ng inggit, gawin mo iyong motibasyon para ang pangarap mo'y makamit ' tama po ba? "
Bab Populer