Ruined Friendship
"Miss, I'll take this unity bracelet, please."
Habang pinaliligiran ng staff ang pag-wrap ng mamahaling regalo para sa girlfriend niya, napatingin ulit ako nang palihim doon sa Aries necklace. Isang simpleng kwintas lang 'yun kumpara sa bracelet na binili niya, pero para sa akin, parang mas malayo pa ang distansya noon kaysa sa buwan.
"Kadecy, let's go? Dinner time na, libre kita gaya ng usapan," tawag ni Hunter habang hawak 'yung eleganteng shopping bag ng jewelry store.