The Substitute Bride
Tumakbo sa mismong araw ng kasal nito ang ate ni Cassandra, kaya para makaiwas ang kanilang pamilya sa kahihiyan ay siya ang ginawang pamalit bilang bride at pinakasalan ang nobyo ng kaniyang ate na si Sawyer Valdez. Tatlong taon silang magkasama ni Sawyer at unti-unti ring nagkamabutihan ng loob. Ngunit kung kailan umuusbong ang kanilang mga damdamin, dadating naman ang kaniyang ate na siyang sisira at hahadlang sa kanilang dalawa na magkaroon ng happily ever after.
HANGGANG saan kaya ang kaya ni Cassandra na ipaglaban ang karapatan sa kaniyang asawa, ga'yong pinamukha nito sa kaniya na hindi siya kailanman minahal at ang ate lang niya ang mahal nito.
Kakayanin kaya niyang tumira sa pamamahay nila na kasama ang kaniyang ate na pilit inaagaw ang asawa?