Ang lalaking hindi ko dapat mahalin
"Control everything? Ang yabang naman ng isang 'to."
Kahit naiinis ako sa kaniyang kayabangan, hindi ko maitanggi na kahanga-hanga ang kaniyang track record. Sa edad na dalawampu't walo, nagawa niyang i-streamline ang buong cargo and supply chain operations ng kanilang kumpanya sa buong Southeast Asia. Winakasan niya ang mga luma at mabagal na sistema, pinalitan ang mga ito ng high-tech AI tracking, at nagawang doblehin ang net worth ng Voss International sa loob lang ng tatlong taon. He is truly a billionaire genius. Marami ring mga artikulo na pumupuri sa kaniyang philanthropic works, mga scholar na tinutulungan ng kaniyang foundation, at mga donasyon sa mga komunidad.