Not a One-Night Stand
Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot.
Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama.
Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki.
Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?