Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unwanted Marriage with Professor

Unwanted Marriage with Professor

Bata pa lang ay nagmahal na siya, bata pa lang ay gusto niya ng makasal sa lalaking pinapangarap niya kaya nang nagawa niya na ito, hindi niya alam na ang lalaking pinakasalan niya ay ginamit lang siya. Siya si Felicity na handang gawin ang lahat huwag lang masira ang pamilyang binubuo niya.
Romance
14.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Healing The Billionaire's Broken Heart

Healing The Billionaire's Broken Heart

Si Ivan Alejandro Montenegro ay isang matagumpay na negosyante na lihim na nagtatag ng sarili niyang kumpanya—isang imperyo na walang nakakaalam, kahit ang sarili niyang pamilya. Nasa rurok na siya ng tagumpay at handa nang magsimula ng bagong buhay kasama ang babaeng mahal niya, nang isang trahedya ang sumira sa lahat. Sa isang malagim na aksidente, nawalan si Ivan ng kakayahang makalakad. Kasabay nito, nawala rin ang respeto ng kanyang pamilya at ang pagmamahal ng kanyang fiancée na agad siyang iniwan nang makita ang kanyang kalagayan. Isa-isa ring kinuha sa kanya ang lahat ng proyekto at responsibilidad sa kumpanya, na para bang wala na siyang silbi. Sa desperasyon na mailigtas ang apo, kumuha ang matanda ng isang caregiver mula sa probinsya—si Ayesha Dela Cruz, isang simpleng babae na may matapang na puso at hindi natitinag sa sungit ni Ivan. Sa kabila ng malamig na pagtanggap nito, pinili ni Ayesha na manatili at alagaan siya, kahit paulit-ulit siyang itaboy. Dahil sa nakakalason na kapaligiran ng mansyon, dinala si Ivan sa probinsya kung saan nagsimula ang kanyang paghilom—hindi lamang sa katawan kundi pati sa puso. Sa katahimikan ng lugar at sa malasakit ni Ayesha, unti-unti niyang natutunang magtiwala muli, harapin ang sakit ng nakaraan, at muling lumaban sa buhay. Ngunit habang siya ay nagpapagaling, lihim din niyang binubuo ang plano ng kanyang pagbabalik. Hindi alam ng kanyang pamilya na ang lalaking kanilang minamaliit ay siya ring may hawak ng tunay na kapangyarihan. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, may isang tanong na mas mahalaga kaysa sa kayamanan o kapangyarihan: Pipiliin ba ni Ivan ang galit… o ang pag-ibig ng babaeng naghilom sa kanyang pusong wasak?
Romance
100 viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage Deal with the Sexy Billionaire

Marriage Deal with the Sexy Billionaire

"Akala ko ba contract marriage lang ang kasal natin? Bakit sinasabi mong mahal mo ako?" Ngumiti si Mattheus, niyakap si Gianne at hinalikan siya sa labi. "Well, wife. Para sa'yo, contract marriage lang 'to. Pero para sa'kin, love deal 'to." _____ Sa halip na proposal ang sumalubong kay Gianne, panloloko ng boyfriend niyang si Calix at ng bestfriend niya mismo ang nakita niya sa cellphone ng lalaki. Sa sobrang sakit ng kalooban, nakipaghiwalay siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Mattheus—isang gwapo at mayamang lalaki na tumulong sa kanya noong manakawan siya. Pumayag siya sa kasal na inalok ni Mattheus— dahil kailangan niya ng asawa sa lalong madaling panahon at si Mattheus naman ay kailangan ng asawa para matigil ang lola nitong pinipilit na itong i-blind date sa iba't ibang babae. Sinunod ni Gianne ang kasunduan at ginampanan ang papel bilang contract wife. Pero isang araw, sinabi ni Mattheus ang hindi niya inaasahan—mahal na siya nito. At saka naman biglang bumalik si Calix, humihingi ng pangalawang pagkakataon. Sino ang pipiliin niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]

BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]

Mhiekyezha
Zarina Montes is a spoiled brat from a wealthy family. Sunod sa layaw at sanay na makuha ang lahat na maibigan ngunit hindi ang pag-ibig ni Antoine Savic. The man of her dreams. Antoine looks like a man from a magazine. He has perfect abs and a handsome face. Kaya kasehodang pikutin ni Zarina ang lalaki ay gagawin niya huwag lang ito magpakasal kay Serenity Sullivan his long-time girlfriend. Antoine was a gentleman in her eyes. Kahit pa ata maghubad siya sa harapan nito hindi siya nito papatulan. Until one night, mukhang dininig ni God ang pipi hiling ni Zarina, umuwi si Antoine mula sa bachelors stag party nito na sobrang lasing. Inalalayan ni Zarina hanggang sa kuwarto si Antoine sa kaniyang paglabas ng pinto ay nagkaroon siya ng isang brilliant idea. ‘Yon ang pikutin ito at para maging ganap na ‘Mrs. Savic’ Ngiting tagumpay si Zarina nang napapayag si Antoine ng ama nito na magpakasal sila, ngunit ang saya na nararamdaman niya ay panandalian lang pala lalo pa’t ipinaparamdam sa kaniya ni Antoine kung gaano siya nito kinasusuklaman. Antoine hated her so much. Magagawa pa kayang tunawin ni Zarina ang galit ni Antoine sa kaniya?
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night-Stand Turns to a Sweet Marriage

One Night-Stand Turns to a Sweet Marriage

Isang biglaang kasal na nagsimula sa simpleng pagkikita ngunit nauwi sa pag-ibig na masyadong matamis para maging totoo. Nagpakasal si Yu Yan sa isang lalaking dalawang beses pa lamang niyang nakilala. Walang engrandeng pangako, walang drama—tanging tahimik na pagsasama, init ng hapunan, at lambing sa pagitan ng mag-asawa. Sa bawat ngiti ng kanyang asawa, sa bawat yakap sa dulo ng araw, unti-unting nahulog ang loob ni Avabelle. Akala niya, sapat na ang simpleng pagmamahal. Hanggang sa isang araw, isang nakakagulat na katotohanan ang gumising sa kanya—ang tagapagmana ng pinakamayamang korporasyon ay kamukhang-kamukha ng lalaking minahal niya, pinakasalan niya, at tinawag na kanya. Kung ang lalaking mahal niya ay may tinatagong pagkatao… Magbabago rin ba ang pag-ibig na kanilang binuo?
Romance
204 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Brokenhearted Billionaire

Married to the Brokenhearted Billionaire

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
Romance
413 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Forsaken Wife

The Billionaire's Forsaken Wife

Labing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage Under Pressure (Tagalog)

Marriage Under Pressure (Tagalog)

Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate—Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies—was the only survivor of the family's car accident ten years ago. Divina devotes her entire attention to his grandson, Stefan, to ensure that he is capable of running the company and carrying on Salvatore's bloodline. Stefan, on the other hand, is opposed to the idea of marriage and prefers to live his life as a bachelor. However, an unexpected turn of events occurred when he awoke in his bed completely naked and with a girl on his arms, which was witnessed by her grandmother. With that, his single life came to an end, and he was forced to marry that girl.
Romance
1024.3K viewsCompleted
Show Reviews (7)
Read
Add to library
MoonstarSolar
When kaya ako makakapag-asawa ng billionaire? Hahaha I envy these female leads! ... Thanks for writing amazing stories like this where we--as a reader--can feel the main characters' emotions; where we can imagine ourselves as the main character. ...️
bunchf05
kawawang Eunice grabi ang pagkamartir, binaboy na nga hindi pa rin umalis, samantalang simpleng apology lang ni Stefan okay na kaagad, nkakagigil naman ng author nito. kulang sa templa kuwento mo author. Bigyan mo naman ng justice ang narramdaman ni Eunice. biktima na nga xa binaboy mo pa role niya.
Read All Reviews
Love in the Shadows of Unexpected Marriage

Love in the Shadows of Unexpected Marriage

Celine never thought her life would change overnight. Isang simpleng saleslady na kumakayod araw-araw para mabuhay, hanggang sa isang gabing malasing siya at magising na may iniwang marka, at isang misteryosong numero. Akala niya, tulad ng iba, lilipas lang iyon… pero hindi pala. When she finds herself pregnant and cornered by her own family, destiny pushes her to dial that number. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumalik sa kanyang buhay si Adrian Castillo, isang lalaking mayaman, makisig, ngunit malamig at misteryoso. Sa harap ng mayor mismo, napilitan silang magpakasal. Will their unexpected marriage bloom into love, or will it remain just a shadow of an arrangement?
Romance
10444 viewsOngoing
Read
Add to library
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
Romance
211 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status