Can't Be Tamed
"Nakisabay na rin si Lander sa kanila pero sa bayan lang siya maglalagi. Si Lake naman, kasama si Selene."
Napatingin ako sa katulong nang animo magpanting ang tenga ko sa pagbanggit nito ng pangalan ni Selene, "Ano? Kasama ni Lake si Selene?"
"Sa bukid yata sila pupunta, Millow, naiinip kasi si Selene tsaka ayaw niyang sumama kay Sir Leighton dahil limited naman ang makakapasok sa ospital kung ia-admit si Sir Lambert." Napatikhim ang may edad nang babae nang magpalinga-linga pa ito. "Ang swerte mo, Millow, ano? Nagustuhan ka ni Lake."
Hot Chapters