Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ninong Lucas

Ninong Lucas

Antonette met Lucas noong gabi ng eighteenth birthday niya at mula noon, hindi na siya naka-recover. Ninong niya ito sa binyag, pero hindi na 'yon ang tumatak sa isip niya. The way he looked at her that night. The way he smiled, like he saw something she didn’t even know she had. Pati ‘yung pagkakasabi niya na ang ganda niya sa suot niyang dress, tumatak sa utak niya. His deep voice. His body under that sleek black suit. Lahat ng ‘yon, hindi niya makalimutan kahit limang taon na ang lumipas. Matagal siyang nagkunwaring okay lang. She tried to forget. Pero sa bawat saglit na naaalala niya si Lucas, may apoy na nabubuhay sa loob niya. She wanted him. Badly. Lagi niya itong napapanaginipan, hinahawakan siya nito sa paraan na hindi niya kailanman aaminin sa iba. Pero panaginip lang lahat. At bawat paggising niya ay punong-puno siya ng frustration. Then dumating ang chance. Umalis ang parents niya for a six-month business trip at sa bahay ni Lucas siya pansamantalang tumira. Her Ninong. The man she had no right to want but couldn’t stop thinking about. This time ay hindi na siya uurong. She was going to seduce Lucas. Kahit gaano pa kamali iyon. Kahit may kapalit. And she won’t stop until her Ninong is hers.
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Soul Contract

The Billionaire's Soul Contract

Bloom Pen
Si Dimitri Xavier Thomas Bazhaev, 31- taong gulang ay isang Filipino-Russian na negosyante at kilala sa larangan ng pagraracing. Siya ang may-ari ng pinakamalaking shipping company sa buong Asya. Kadalasan ay makikita si Dimitri sa mga diyaryo at mga sikat na magazines. Hindi din maikakaila ang kanyang gandang-lalaki dahil sa may lahi itong banyaga. Habulin ito sa mga babae at wala itong siniseryoso. Different place, different woman. Cunning at playboy kung tawagin ng nakararami si Dimitri. Lahat ng babae ay patapon para kay Dimitri ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya inaasahang mababaliw siya sa isang babaeng nagngangalang Tiffany Bernales, 28-taong gulang. Hindi lubos maisip ni Dimitri na dadating ang panahon na mababaliw siya sa isang babae. Hindi niya lubos maisip na dadating ang panahon na makakaramdam siya ng takot na maiwan ng isang babae. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkamali si Dimitri dahilan upang lumayo ang dalaga sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nakita silang muli. Kataka-taka at may anak na dala-dala ang babae na ikina-igting panga ni Dimitri. Matutuloy pa kaya ang kanilang pag-iibigan? O tuluyan kayang siya ay lisanin ng babaeng kanyang pinakamamahal?
Romance
10634 viewsOngoing
Read
Add to library
Take #2: Para sa Forever

Take #2: Para sa Forever

Maria Angela Gonzales
Nagpakasal si Azenith kay Zedric dahilan kaya hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niyang maging sikat na manunulat. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagiging misis nito at pagiging ina sa dalawa nilang anak. Bukod pa doon ay kinailangan niyang maghanap buhay dahil unti-unti ng nawawalan ng career si Zedric, pasikat na sana itong artista pero dahil inamin nito sa publiko na mayroon na itong pamilya ay lumamlam ang career nito. Limang taon na ang nakakaraan ng ikasal sila ni Zedric at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa naman nagbabago ang damdamin niya sa kanyang mister. Mas lumalim pa nga ang pagmamahal niya para rito dahil sa mga pagsubok na kinakahara nila na nagagawa naman nilang solusyunan kaya lang sa likod ng kanyang isipan ay may mga, what if siya, Paano kung hindi muna sila nagpakasal? Paano kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap? Paano kung sinunod muna niya ang mga sinabi sa kanyang mga magulang at kapatid? Hanggang sa dumating ang isang araw na may isang nilalang na sumulpot sa kanyang harapan na nagsasabing kaya nitong ibalik siya sa nakaraan para magawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran. Magiging maligaya na nga ba siya?
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Romance
108.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.943.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan. Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata. Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak. "Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Pagkatapos ng Autopsy, Bumalik Ang Patay Na Kapatid Ko

Pagkatapos ng Autopsy, Bumalik Ang Patay Na Kapatid Ko

Nang dumating ang college admission notice, bigla akong nagkaroon ng mataas na lagnat at napilitan akong manatili sa kama. Ang aking kapatid na babae ay sangkot sa isang kidnapping habang nasa daan upang tulungan akong kunin ang notice, at ang kanyang buhay ay hindi tiyak. Galit na galit sa akin ang mga magulang ko. Matapos punitin ang aking admission notice, pinilit nila akong talikuran ang aking pag-aaral at magtrabaho sa isang pabrika. Nang maglaon, nakaranas din ako ng kidnapping. Pagkatapos makatakas, nagtago ako sa isang abandonadong pabrika at nagpadala ng mensahe para sa tulong. Tinawagan ako ng tatay ko at walang pigil na sinigawan ako, “Lena, tao ka ba? Paano mo nagawang magbiro sa amin sa memorial day ni Jessica!” "May ideya ka ba kung gaano namin hinihiling ng nanay mo na ikaw ang namatay noon?" Sa mga huling sandali ko bago mamatay, umalingawngaw sa aking pandinig ang kanilang mga pang-iinsulto. Ako ay tinorture at pinatay, naging isang halimaw, at ang aking katawan ay itinapon sa isang mabahong kanal sa loob ng tatlong buong araw. Kahit na ang aking ama, ang pinaka experienced na forensic expert, ay hindi ako nakilala. Nang umuwi ang aking kapatid na babae kasama ang lalaking kasama niya ilang taon na ang nakalilipas, pinanumbalik ng aking ama ang aking hitsura sa pamamagitan ng teknolohiya. Lumuhod sila sa harapan ng naaagnas kong bangkay at umiyak hanggang sa mawalan ng malay.
Short Story · Romance
988 viewsCompleted
Read
Add to library
Keeping the Child of Red Rivas

Keeping the Child of Red Rivas

Ydewons
Lumaking walang kinikilalang ama ang dalagang si Queenie Rose at bago siya tumuntong sa kolehiyo ay ang kanyang ina naman ang namaalam. She did everything to survive to sustain her everyday lives and her studies. Kahit na nga ba ang ibig sabihin noon ay kailangan niyang magtrabaho sa isang club bilang waitress na ume-extra bilang customer entertainer. Ngunit hindi pa man siya tumatagal sa trabahong iyon nang makilala niya si Red Wein Rivas. Ang lalaking bumihag sa kanyang puso at inakala niyang mag aalis sa kanyang pangit na sitwasyon. Red made her fall. Hard and deep. And when she found out that she is pregnant with the child of Red Rivas, bigla nalang itong naglaho. Queenie made everything to move on and forget him. Lumipas ang limang taon at inakala niyang tuluyan na niyang nakalimutan ang binata. Ngunit isang sitwasyon ang naging dahilan para hanapin niya si Red Rivas at humingi ng tulong dito. Their child is in the hospital and she has nothing even a penny. Kakapalan na niya ang mukha niya para maipagamot ang anak nila at pagkatapos noon ay maglalaho na ulit sila sa buhay ng isa't isa. Dahil alam niyang hanggang doon nalang iyon dahil nakatakda nang ikasal ang binata sa ibang babae. She has no intention of getting him back. Even though she is keeping the child of Red Rivas.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10557 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
29
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status