Hidden Heir Of The Billionaire
Natigilan na lang ako bigla sa paglalakad nang humarang sa dinadaanan ko ang bwisit kong kaibigan.
“Porket naka-lip tint, suplada na!” pang-aasar nito sa’kin bago ako panlakihan ng mata habang nakatingin sa mapula kong labi.
Malay ko bang long lasting pala iyong liptint na nasa drawer ko, at saka kanina pa ngang nangangati ang labi ko dahil hindi ko napansin na expired na pala ‘yung liptint na ‘yun. Paano ba naman kasi, padala pa iyon ng kamag-anak namin na nasa abroad, 3 years ago. Ngayon lang din ako nag lip tint at para iyon kay Lucas, ano, malay ko ba.
인기 회차