Love Revenge Game
“Tsk! Ipapaalala ko lamang sa iyo, Crystal. Hindi ba’t si Miss Ricafrente ang Secrecy Gold Lady, saka magkasabwat pa sina Khiel at Clifford?!”
Nabalutan nang katahimikan ang buong silid, pero nang tumugtog na ang awiting ‘Got to Believe in Magic’ by David Pomeranz ay nabasag ito. Bagama’t umiikot na ang aking paningin at nahihirapang imulat ang mga mata sa kalasingan ay nagawa ko pa rin makatayo upang kunin kay Clifford ang mikropono. Isa iyon sa mga paborito kong awitin. Nang simulan ko na kantahin ang unang berso ay daig pa ng aming alaala ang mga liriko. Bumabalik ang mga alaala ng aming nakaraan na parang isang napakamatamis ng kaniyang halik na hindi ko kayang iwasan. Ang bawat nota at