The Unwanted Wife's Second Chance
Napabuntong-hininga na lamang siya at tumango, “Medyo may hindi kanais-nais lang ho na pangyayari sa aming dalawa pero don’t worry, Mom, kaya ko na po ito.”
“Speaking of, ‘yong nangyari sa inyong dalawa kahapon, gusto ko lang humingi ng tawad sa iyo, anak. The truth is, gusto ko lang naman talagang ilapit ang relasyon ninyo sa isa’t isa at mas lumalim pa sana ito. Gusto ko na kayong magka baby. Hindi ko naman inaasahan na isa pa pala ito sa magiging sanhi ng hindi ninyo pagkakaintindihang dalawa at humantong pa sa pagiging strangers ninyo.” Paghingi naman ng pasensya ni Megan.
ตอนยอดนิยม