My Young Daddy (Tagalog)
Muntik na nga raw silang palayasin ni Mama nang mahuli silang lihim na nagtatagpo sa isang madilim na bahagi ng bakuran ng mansyon namin sa Maynila,” natatawa pa nitong dagdag sa kuwento na sinasabayan pa nito ng pailing-iling.
Na-amaze siya, hindi dahil sa kuwento ni Mang Efren at Aling Martha, kundi dahil ito ang first time na nagkuwento ito nang mahaba-haba.
“Talaga? Ang ganda pala ng love story nilang dalawa. Parang istorya ng mga sinaunang palabas. Nang mahuli sila, ano ang ginawa ng mama at papa mo?” usisa niya.