กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Euphoria: Sugar Baby

Euphoria: Sugar Baby

May mga islang hindi mo mahahanap sa mapa. At may mga gabi na hindi kailanman pwedeng ikuwento. Siya—isang dalagang nangangarap ng katahimikan. Siya—isang lalaking matagal nang ginugupo ng mga alaala. Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halik na hindi na mabubura. Akala nilang pareho, panandalian lang ang lahat. Hanggang sa lumitaw ang katotohanang kay tagal nang itinatago—at may isang pangalan na hindi dapat banggitin sa isla. Sa Euphoria, lahat may presyo. At ang ilang halik… may kapalit na buhay. This story involves themes of luxury companionship, sex work, and high-profile desire—served with a shot of fiction and a twist of imagination. Rated R18+ All characters, events, and situations in this story are purely fictional and stem from the author’s imagination. Any similarities to real people, stories, or existing works—published or unpublished—are entirely coincidental and unintentional. This story is a personal creation meant to explore unique emotional and psychological journeys. It is not intended to imitate, copy, or reflect the narrative or structure of any other existing work. Please respect the author’s creative freedom, and enjoy this story for what it is: a work of fiction born from heart, imagination, and curiosity.
Romance
103.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Obsessed Ultimatum

The Obsessed Ultimatum

Hindi kailanman pumasok sa isipan ni Zoren Caius Voss na mahuhulog siya—lalo na sa isang fashion show na sa simula't sapul ay ayaw naman talaga niyang daluhan. Ngunit nang tumama ang paningin niya kay Renese Diora Kensington, a socialite draped in silk and scandal, alam niyang wala nang atrasan. From that moment on, she was all he could see. And Zoren always gets what he wants. When Renese’s fashion empire teeters on the edge of collapse, Zoren offers her one way out: marry him… or lose everything. It’s a business deal, he says—but the fire in his eyes tells a different story. Ngayong ikinasal na sila, ginugol ni Zoren ang bawat araw para siguraduhing hindi na ito makakatakas. Binigyan niya si Renese ng lahat—yaman, pangalan, kapangyarihan. Pero kapalit nito, ang kalayaan ng dalaga. Pero habang lumalalim ang kanilang kasal, unti-unti namang nabubuwag ang depensang matagal itinayo ni Renese para sa sarili. And the deeper she falls into Zoren’s world, the more she realizes that this man will ruin kingdoms just to keep her and maybe—just maybe, she’ll let him.
Romance
101.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Marriage Deal

The Billionaire's Marriage Deal

Si Lea Himenez ay isang makapangyarihang pangalan sa mundo ng fashion—mayaman, hinahangaan, at sanay sa kontrol. Ngunit sa likod ng mga runway at boardroom ay isang babaeng pagod na pagod nang maging perpekto. Isang gabi ng kahinaan ang nagtulak sa kanya sa isang bar—isang gabing hindi niya alam na matagal nang hinihintay ng isang lalaki. Si Miguel Guero, isang CEO billionaire na kilala sa kanyang malamig na lohika at walang kapantay na kapangyarihan, ay matagal nang nagmamasid. Obsessive. Mapagplano. Hindi marunong umatras. Sa gitna ng alak at pagbagsak ng depensa ni Lea, inabot niya ang kontratang magbabago ng lahat. “Just sign it. I will take care of you—your world, your fears, your life. Everything will be mine to protect.” Isang pirma. Isang kasal. Isang buhay na kinitil ang kalayaan bago pa man niya ito mapagtanto. Habang nagigising si Lea sa isang mundong puno ng luho at mahigpit na pag-aangkin, unti-unting nabubunyag ang mas madilim na katotohanan—ang lihim na pagsubaybay, ang kasunduan ng pamilya, at ang planong isinilang bago pa man siya bumigay. Ang akala niyang aksidente ay isa palang perpektong bitag. Mananatili ang apoy at tensyon sa pagitan nila—o unti-unting mahuhulog si Lea sa kasunduang hindi niya ginusto ay maging damdaming hindi na niya kayang tanggihan.
Romance
2.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
Romance
10698 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
His Darkest Pledge (Entice Series 3)

His Darkest Pledge (Entice Series 3)

His Darkest Pledge (Entice Series 3) Xia Alanny Buenaventura Garcia—kidnapped by her own father. Para maisalba ang papalubog na kompanya, itinali siya sa isang lalaking hindi niya kailanman ginusto. Sa isang malamig at maulan na gabi, tumakas siya at nagpakalayo-layo. Binago niya ang kanyang pangalan, pagkatao, at pangarap. Naging kasambahay siya ng isang Chief. Lahat ay ginawa niya upang hindi siya mabuko—upang hindi malamang peke ang pangalang ginamit niya. Pero paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon, mahulog siya sa lalaking ito? Paano kung balak na niyang bumalik sa dating buhay? Paano kung magsisi siyang hindi niya napakasalan ang lalaking nakatakda para sa kaniya? Paano kung buo na ang desisyon niya? Paano kung gusto na niyang kilalanin ang taong pakakasalan niya sana? But for that man, despite Xianny running away... his heart belonged only to her. His darkest pledge was her. Nothing more, nothing less—but her. But who's that guy? If they're both chasing her? --- A story of escape, hidden identities, forbidden love, and a man who never stopped waiting.
Romance
10570 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

Kasal na lamang ang kulang para maging tunay na Madrigal si Mia Buenaflor. Nine years niyang naging nobyo si Alonzo Madrigal at inaakalang ito na ang kanyang the one. Ang lalaking maghaharap sa kanya sa simbahan lalo na at ito ang kanyang pinakamamahal. Hanggang sa natuklasan ni Mia ang panloloko ni Alonzo. Her world shattered the day she discovered Alonzo's betrayal—a hidden affair—with consequences that would change her life forever. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang fiancee ng kapatid nitong si Nicholas na si Gemma. Dahil sa pagmamahal kay Alonzo ay pumayag si Mia sa inalok na kasal sa kanya ni Nicholas. Gusto niyang magsisi si Alonzo sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi lang ito ang lalaki sa mundo pero hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari nila ni Nicholas kung mukhang nagmamahalan naman si Alonzo at Gemma? Mapapanindigan niya kaya ang kasal niya kay Nicholas gayong napapalapit na rin siya sa lalaki? Sino ang pipiliin niya sa magkapatid? Ang lalaking nine years niyang minahal pero niloko siya o ang lalaking ibinigay sa kanya ang pangalan at itinayo ang kanyang dangal?
Romance
9.576.1K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
ตอนยอดนิยม
เพิ่มเติม
Fantasy
108.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Embracing Imperfections

Embracing Imperfections

Tri is an independent woman who is a working student just to feed her family. She hate her father so much because of his addiction to gambling. At the young age, she already took the responsibility to her siblings and mother. But everything changed when she met him again, her worst nightmare at ang rason kung bakit siya mas lalong naghihirap ngayon. Pati ang pangarap niya ay biglang naglaho dahil lang sa lalaking hindi naman niya ginustong makilala. She hates him so much to the point na pati ang pangalan nito ay ayaw niyang banggitin. Not until one day, everything changed.
Romance
2.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ESCANDALO DE SAN IGNACIO

ESCANDALO DE SAN IGNACIO

Felicity
SCANDAL... BILLIONAIRES... MARRIAGE... Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio. Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan. Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon. Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan. Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas. At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco. Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon. Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Romance
892 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
1819202122
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status