Sa Haplos Ng Kaaway
hamon ni Nadine.
Kumuha ng puting papel si Mia at mabilis na gumuhit ng bahay na may usok sa bubong, may araw sa taas, at may tatlong stickman sa harap.
"Ito si Kuya Ethan, ito ikaw, ito ako," sabi ni Mia sabay turo sa tatlong stickman.
"Ba't ako pinakamaliit?" tanong ni Nadine na natatawa.
"Kasi ikaw si Ate Nadine na maliit pag nakaupo," sagot ni Mia.