Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1020.7K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hala!!! grabehhh yung kaba ko Ms Lilian hahaha nakakadala itong scene na ito ahh naku Wawa naman isla nmin na-trauma tuloy siya...mabuti nalang mabilis kumilos si Abe at mga bodyguard niya...kailangan magtira siya ng buhay sa mga kumidnap pra mapaamin nila sino mastermind kidnapin si isla
ArtofPollyanna
Interesting plot. Palagay ko maraming makaka-relate sa buhay ni Isla lalo na yung mga bread winner sa pamilya. Sana magkaro'n siya ng happy ending dahil deserve niyang maging masaya pagkatapos ng lahat ng sakripisyo at paghihirap niya. Highly recommend ...
Read All Reviews
Unofficially Yours

Unofficially Yours

“Sampung milyon. Magpapanggap ka lang na buntis ka na at fiancee kita sa buong tatlong buwan. Matutulungan kita, matutulungan mo ‘ko,” pakiusap ang certified f*ckboy ng taon na si Joaquin sa bestfriend nyang si Abby. She agreed straight away. Seeesh! So easy. Chicken feed! No big deal. Walang malisya. Halos parang nakikitira na rin sya sa penthouse ni Joaquín sa dami ng gamit nya. And so she convinces herself. Pero habang tumatagal, lalong nagiging kumportable para sa kanya ang penthouse nito at lalong lumalamig ang mga gabi tuwing mahihiga sya na nasa kabilang dulo ng malambot kama ang bestfriend. Paano nya kokontrolin ang damdaming noon pa gustong makawala? Paano nya lalabanan ang sinasabi ng isip nya bestfriend lang sya? Hanggang kailan nya kaya kayang panghawakan ang kanyang pagpapanggap?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Yllena's Love Child

Yllena's Love Child

“Yllena, come here!” masayang bungad ng kaniyang asawa ng makapasok siya sa opisina nito. Nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ni Grae, ang kaniyang asawa. Lumapit siya dala ang isang sobre na naglalaman ng resulta ng kaniyang utrasound nitong umaga. Tamang-tama ito dahil ngayong araw ay unang anibersaryo ng kanilang kasal. Habang siya ay papalapit ay papalakas ng papalakas ang pintig ng kaniyang puso. Magkahalong excitement at kaba dahil alam niyang matutuwa ang asawa. Ilalabas na sana niya ang laman ng sobre ng bigla itong magsalita. “Evie’s back.” Biglang nanuyo ang kaniyang labi at natuod siya sa kinatatayuan. Ibinalik niya ang papel sa sobre. “I want a divorce, Yllena. Siya ang mahal ko,” dugtong nito. Ni hindi manlang inisip ni Grae ang mararamdaman ni Yllena samantalang simula pa lang ay alam na niyang mahal siya ng babae. “Oh sige,“ tipid niyang sagot. Mabilis pa sa ala-kuwatrong inilahad ni Grae ang Divorce Agreement papers para pirmahan ni Yllena. “Here, naayos ko na agad. Pirma mo nalang ang kulang!” masaya nitong sabi. Pinunasan ni Yllena ang luha at nanginginig na pumirma. Parang dose-dosenang punyal ang tumarak sa puso niya. Parang kating-kati ito na makasama ang babaeng 'yon? Bumalik si Yllena sa pamilya ngunit ng gabi ding ‘yon ay itinakwil siya. Dahil sa bigat at sakit ng kaniyang kalooban ay huminto siya sa tulay. Bumuhos ang napakalakas ng ulan. Nais na niyang wakasan ang lahat ng biglang may humawak sa kaniyang kamay at sapilitan siyang inilayo sa kamatayan. Hinila siya nito papasok sa kotse. Nuon lang niya namukhaan ang lalaki. “Lucerys? Lucerys Montblanc,” sambit niya. “Yes, I am. Death is not the answer, woman, but rather revenge,” kunot-noo nitong sabi. “Make him pay! Join me, Yllena!”dugtong nito.
Romance
10805 viewsOngoing
Read
Add to library
Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)

Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)

Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG) “I’m your dad’s friend, your boss… but tonight, I only want you, baby girl.” *** Hindi inakala ni Engr. Andrea Ramirez na ang isang gabi na puno ng saya at kalibugan ay kayang baguhin ang buong mundo niya. Isa lang dapat itong walang kahulugang one-night stand—isang hamon mula sa kaniyang mga kaibigan, at pagkakataon para patunayan na hindi na siya bata sa mata ni Luca. Ngunit kinabukasan, ang estrangherong hindi niya matigil na iniisip… ay walang iba kundi si Luca Romanov. Her dad’s best friend. Her boss. Her protector. At ang lalaki na matagal na niyang hinahangaan—ang kaniyang lihim na paghanga na akala niyang hindi niya kailanman makakamtan. Si Luca ay kaakit-akit, puno ng kumpiyansa sa sarili, at tila walang balak magseryoso sa pag-ibig dahil halos ang trabaho na lamang ang pokus niya. Ngunit sa kabila ng propesyonalismong iyon, hindi maiwasang madama ni Andrea ang kakaibang tensyon sa pagitan nila—isang apoy na hindi niya kayang patayin. Alam ni Andrea na mali at delikado ang pagsasama ng trabaho at pagnanasa. Pero bawat tingin, bawat galaw, bawat salita ni Luca ay pumupukaw sa kaniya. Hindi niya maitatanggi ang nararamdaman, at sa bawat sandali, nahuhulog siya nang mas malalim sa lalaking matagal niyang pinapangarap. Wala siyang ibang plano kundi paibigin si Luca. Handa siyang ilagay sa panganib ang lahat—ang kaniyang reputasyon, ang kaniyang trabaho, at ang kaniyang puso—upang mahulog sa kaniya ang kaibigan ng kaniyang ama. Ngunit hanggang saan siya handang magtiis bago tuluyang masunog sa apoy ng kanilang ipinagbabawal na pagnanasa?
Romance
32 viewsOngoing
Read
Add to library
Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Tatlong taon siyang naging mabuting asawa. Pero sa gabi ng pinaka madilim na sikreto, natuklasan ni Zoe Salvador na hindi pala siya ang mahal ng asawa niyang si Elijah Alcantara, kundi ang hipag pa nito. Sa halip na umiyak, tumalikod siya. Iniwan ang lahat—ang kasal, ang sakit, ang taong minahal. At sa paglayo niya, nakilala niya ang lalaking tunay na handang tumindig para sa kanya. Si Nathaniel Mendoza. Isang bilyonaryong lalaki… at sa kanilang pagkikita, nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Ngayon, habang siya’y nagdadalang-tao, bumalik ang ex niyang lumuhod sa harap niya. Ngunit huli na. Dahil ang babaeng minsang iniwan, ngayon ay may bitbit na bagong buhay at sa isang lalaking handang ipaglaban siya. Ngunit may pag asa pa kayang bumalik ang dati nilang pagsasama?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
Romance
289 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE's PROPERTY

THE BILLIONAIRE's PROPERTY

Si Xyla Lopez ay isa sa mga dalaga na sa murang edad kaliwa't kanan ang partime jobs upang masupportahan ang kanyang sarili at pamilya. Nag-aaral sa umaga at trabahante naman s'ya sa gabi, wala kasi s'yang aasahan kundi ang sarili n'ya lang, na stroke na ang kanyang ama at may kapatid pa s'yang pinag-aaral. Sa isa sa mga partime jobs ng dalaga—nakilala n'ya ang bilyonaryong si Elezear Monterroyo na nagmamay-ari ng Imperial Motors, inofferan siya nito ng malaking halaga na hindi n'ya matatanggihan—ang maging yaya s'ya ng anak nito na Gavin ang pangalan na minsan n'ya na 'ding iniligtas. Naisip ni Xyla na walang masama kung magiging yaya s'ya ng anak ng bilyonaryo dahil ang pinaka-importante sa kanya ang incentives na makukuha n'ya mula dito—mapapacheck-up n'ya na buwan-buwan ang kanyang ama at makakabayad ng tuition ng nakababatang kapatid. Maiiba nga ba buhay ni Xyla sa piling ng mag-amang Elezear at Gavin o dito n'ya matutuklasan ang mga sikretong nakakubli?
Romance
10667 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Asawa Kong Artista

Ang Asawa Kong Artista

“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.” Ang mga salitang ito mula kay Luigi Ibarra ay parang kutsilyong tumagos sa puso ni Nami Santiago—isang mayaman ngunit nerdy na babae na matagal nang may lihim na paghanga kay Luigi. Si Luigi, ang pinakasikat na aktor sa bansa, ay napilitang magpakasal kay Nami upang mapanatili ang legacy ng kanyang pamilya. Ngunit kahit kailan, wala itong patak ng pagmamahal para sa kanya. She was the complete opposite of his type, and she knew it. Pero masyado lang talaga siyang martir. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat. Nahuli niyang may ibang babae si Luigi—ang ka-love team nitong si Sasha Alvarez. Sa puntong iyon, tuluyan na niyang binitawan si Luigi. Pero kasabay ng kanyang paglayo ay natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Four years have passed, at nabaliktad ang sitwasyon. Si Luigi na ngayon ang naghahabol nang malaman niyang may anak sila ni Nami. Will she choose to forgive him, or will she move on and choose Arren Corpuz, another famous actor who stood by her side when everything fell apart?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
[Tagalog] In Her Shoes

[Tagalog] In Her Shoes

Alex Dane Lee
Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Romance
101.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling  In To The Beast

Falling In To The Beast

Hindi akalain ni Adela na masisira ang buhay niya nang isang gabi lang dahil sa pagpinagkakatiwalaan niyang kaibigan. AT ang masalimuot na gabing iyon ay ang gabing makikila niya si Desmond Kyle Aviel Monarco ang kinatatakutan at pinaka makapangyarihan sa larangan nang negosyo at isa sa mga mayayamang tao. pilit niyang kinakalimutan ito, kahit halos gabi gabi itong bumabalik sa mga alaala niya, Ngunit paano niya gagawin iyon kung kahit saan siya magpunta ay nagkikita sila, Sa bawat pagkikita nila ay sinusunggaban siya nang halik, mga halik na lalong nagpapgagulo sa puso at isipan niya, sa bawat haplos nito ang nagpapadingas nuoh ng init ng katawan niya. Inaangkin siyang pag aari nito, pilit man niya na iwasan ito ay lagi siya nitong nahahanap. "Where do you think your going baby hmmm" Saad niya sa akin na ikinaatras ko, madilim ang mga mata nitong nakatitig sa akin, umiigting ang tulisan nitong mga panga. "K-Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko" Sagot ko rito na ikinaatras ko na lalo naman nitong ikinalapit sa akin. "Are you avoiding me?" Madiin niyang saad sa akin na ikinaatras ko pa, malamig na pader na ang naramdaman ko sa likod ko. Itinokod nito ang isang kamay nito sa pader sa gilid ko, langhap na langhap ko ang pabango at amoy nitong alak sa bibig niya. Bago pa ako makapagreact ay sinunggaban niya agad ako nang halik, may dahas ang bawat halik niya pilit niyang ipinapasok roon ang dila niya sa bibig ko na napagtagumpayan niya. "Hmmmppp" daing ko na pilit siyang tinutulak, pinakawalan niya ang labi ko, hingal na hingal kami dahil sa halik "Don't you ever try to avoiding me or else i'll make you cry harder, screaming and begging like no mercy" madiin niyan sabi sa akin,na iniwan akong tulala at may kaba.
Mafia
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status