Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

"Sino ka para pigilan akong pumasok sa gusaling ito?" sabi nung babae. “Wala kang karapatang pumasok dito, patay ka sa isip ng asawa mo. Ako na ang mahal niya ngayon.” Sagot ng babae. “Babawiin ko ang akin. Hindi ako papayag na kunin mo lahat ng meron ang asawa ko.” Galit na sabi ng babae. Masaya ang mag-asawang Taylor. Isang araw ay nagbakasyon sila sa isang isla kasama ang kanilang magandang anak. Sumakay sila sa yate kasama ang kanilang Yaya. Sa hindi inaasahang pagkakataon bago sila makarating sa isla ay may masamang panahon, bumuhos ang malakas na ulan at humampas ang malalakas na alon. Sinubukan ng mister na iligtas ang kanyang asawa at ang kanyang anak ngunit dahil sa alon ay nabitiwan niya sila. Habang ang kanyang asawa at anak ay agad na tinulungan ng kanilang Yaya. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay bumagsak silang dalawa ng kanyang anak. Nahulog ang mag-ina, ngunit kumapit ang babae. Tinulungan siya ng Yaya na bumangon ngunit sinamantala ng kanyang Yaya ang sitwasyon dahil sa kanyang masamang intensyon. Sa halip na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanyang amo na asawa, inalis niya ang kamay ng kanyang amo na asawa sa pamamagitan ng paghawak nito sa tubo hanggang sa mawala ito at tuluyang nahulog sa dagat ang mag-ina. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ng isang estranghero na mangingisda ang bata na umiiyak. Inakala ng lalaki na nag-iisang anak ang nandoon, kinuha niya ang bata ngunit paglingon niya ay nakita niyang walang malay ang ina ng bata ay nilapitan niya ito at tinulungan. Nang magising ang babae ay wala siyang naalala, hanggang sa naisipan ng dayuhang mangingisda na bigyan siya ng pangalan at sinabing asawa niya ito at anak nila ang bata. Paano niya maipaghihiganti ang kanyang karapatan bilang isang legal na asawa?
Romance
1013.4K viewsOngoing
Read
Add to library
His Sweet Lies

His Sweet Lies

“They are obviously my children” usal ni Juancho kay Orelia. Natigilin ang babae at naibagsak ang inaayos na mga bulaklak. ”Ano ang ibig mong sabihin?Ni hindi nga kita kilala!” iwas tinging depensa ni Orelia sa lalaki at agad niyang itinago ang dalawang bata sa kanyang likuran. “Hmm, hindi nga ba ikaw yon? But why do these children have my face then?” paninindigan ni Juancho. Pilit na nagpapakita ng matapang na mukha si Orelia, desidido na siyang hindi masangkot sa lalaki matapos ang isang gabi ng pagkakamaling iyon. Mamamatay muna siya bago niya hayaang mapasakamay ng lalaki ang kanyang mga anak. “Or would you rather have me let you remember what transpired that night,” usal ng ni Juancho sabay ng pag haplos sa mga labi ni Orelia gamit ang kanyang daliri. “Don’t touch our mom you bad guy!” biglang pumigitna ang batang babae at pilit na itinulak si Juancho. Nakasunod rito ang takot na batang lalaki. Laking gulat ni Orelia sa biglaang kilos ng mga bata kaya hindi niya napigilan ang agarang paghawak ni Juancho sa mga ito. Handa na siyang itulak ang lalaki at bawiin ang bata nang nakita niya ang mga mata ni Juancho na nakatitig sa kambal, ang malamig at walang emosyon nitong mga mata ay napalitan ng lambot. Ito ay mga matang matagal niya ng hindi nakikita, ang mga matang minsan ng nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Saksihan ang mainit, matamis at masakit na relasyon ng dalawang mag kaibang indibidwal mula sa magkasalungat na estado ng buhay. Ang kanilang katapusan ba ay magsisimula sa ligaya o patuloy na magbabadya ang paghihirap sa kanilang mga buhay?
Romance
69.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Boss Pick up a Child

The Mafia Boss Pick up a Child

A-Bleu
The Mafia Boss Kylo Lucian.Kilala sa pagiging mahigpit, malupit, at walang awa.Wala siyang pinapalagpas na atraso ng kahit sino man. Marami ang umaasa na balang araw kapag may napusuan siya babae ay magbabago ang pag-uugali niya.Magbabago ang  malupit na Mafia Boss.Subali't posibli nga ba? Kahit na parang wala itong balak na pumatol sa babae o mag-asawa? Akala ni Kylo ay hanggang hindi siya mag-aasawa ay walang makakapagpaikot sa kanya na kahit sinong babae sa palad nila.Hinding-hindi siya bibigay sa kahit na sino. Yan ang pangako niya sa sarili. Pero sino ba ang mag-aakala na hindi nga asawa ang makakapagpabigay at makakatunaw ng matigas na puso ng isang Kylo Lucian—Kundi isang 4 na taon na batang babae, anak ng lalaking nagkakautang sa kaniya na bigla nalang nawala.
Other
7.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wet-ness (Mafia Cosa Nostra series 1)

The Wet-ness (Mafia Cosa Nostra series 1)

Nessa Palermo- ang nanny ni Damian Velloci na stepsister ni Jean,ina ni Damian Damian Velloci-ang isip batang aalagaan ni Nessa,anak ng isa sa kinikilalang lider ng Mafia Organization bansang Italy. Si Nessa Palermo ay naging nanny ni Damian Velluci anak ng kanyang step sister,sa pag aakalang ang kanyang aalagaan ay isang bata,ngunit napatda siya ng malamang hindi pala bata ang kanyang aalagaan kundi isang mala greek God na lalaki na nagkaroon ng mental illness dahil sa naging trauma nito tatlong taon na ang nakaraan. Pumayag siyang alagaan ito ayun na rin sa kahilingan ng kanyang ina,Ngunit paano kung hindi lang pag aalaga kay Damian ang kanyang gagampanan sa loob ng mansion,ganung may marami palang lihim siyang matutuklasan sa mga taong nakapalibot sa kanya lalo't higit na sa kanyang step sister. Tunghayan ninyo ang kwento ni Nessa at Damian kung paano nagsimulang sumibol ang kanilang pagtitinginan na nauwi sa wagas na pagmamahalan.
Romance
954 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Manang, The Billionaire's Sweetheart

Manang, The Billionaire's Sweetheart

Buong akala ni Kayrelle ay hindi na siya papalarin na magkaroon ng lovelife pero hindi niya inaasahan na isang bilyonaryo ang iibig sa kan'ya pero paano na lang kung mas bata ito sa kan'ya ng limang taon pero siya lang naman ang nag-iisang lalaking nabaliw sa kan'ya at kayang-kaya naman siyang dalhin sa sukdulan ng langit.
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding Tyler Montero’s Triplets

Hiding Tyler Montero’s Triplets

Misha Yvonne Hernandez, hindi niya inaasahan na sa isang gabi ay mabubuntis siya hindi lang isa kun’di tatlo. Matatakot siya’t itatago ang mga bata, ngunit paano kung magtagpo na naman ang kanilang landas ng lalaking ama ng mga anak niya? Anong gagawin niya kung ayaw na siyang pakawalan pa ng lalaking nagngangalang Tyler Montero?
Romance
1091.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Romance
54 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status