Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Husband's Only Woman (Filipino)

The Husband's Only Woman (Filipino)

COMPLETED. Mature Content. ***** Nahulog si Diana kay William, ang asawa ng kaniyang matalik na kaibigang si Gianna. Hanggang sa nakaisip siya ng masamang balak at nakagawa ng dalawang krimen. Ano at saan ang magiging hantungan niya? Si Gianna ay tapat na asawa kay William. Labis siyang nasaktan nang malaman niya sa kakaibang paraan ang hindi niya inisip na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigang si Diana. Mapapatawad pa kaya niya ito at si William? Ano ang gagawin niya sa asawa? Maayos ang buhay ni William kasama ang pinakamamahal niyang asawang si Gianna at ang dalawa nilang anak na sina Wyler at Greisha. Naging magulo ang buhay niya nang dumating si Diana na kailanman 'di niya minahal. Paano niya ibabalik ang dating matamis na pag-ibig nila ni Gianna? Si Yuan ay may gusto kay Gianna ngunit hindi niya ginulo ang buhay nito dahil may asawa't mga anak na ito. Gagawin niya ang lahat para 'di masaktan si Gianna kay Diana at 'di masira ang samahan nina Gianna at William. Ano ang gagawin niya kay Diana? At ano ang papel ng kapatid na babae ni William na si Willa sa buhay niya? Ito ay istorya ng pagkakaibigan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapalaya, pagiging buo ng isang pamilya at iba pang mga aral.
Romance
9.847.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Maid Ako Ng Amo Ko

Maid Ako Ng Amo Ko

Fara Fabulosa, 21 years old, anak mayaman at nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Fara ay may kulang pa rin sa kanya. Oo napapalibutan nga siya ng maraming magagarang kagamitan, alahas at pera. Ngunit walang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Dahil sa isip niya ay pera lang ang habol sa kanya ng mga lalaking nagkandarapa sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa pilitin na siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit bago mangyari iyon, gumawa na nang paraan si Fara. Tumakas siya sa bahay nila dala ang kaunting damit at perang naitabi niya. Pumasok na katulong si Fara. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang magiging amo niya ay ubod ng strikto at sungit. Siya si Reyman Fernandez, ang lalaking hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin. Ngayon lang siya nakahanap ng lalaking katulad ni Reyman. Paano niya haharapin ang panibagong mundo niya? Makakaya ba ni Fara ang ugali ni Reyman? O baka susuko na lang siya at tuluyan ng magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala. Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata sa buhay ni Fara Fabulosa.
Romance
38.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night with Mr. Billionaire

A Night with Mr. Billionaire

Si Amethysts Quizon, isang dalaga na lumaki sa karangyaan, dahil sa di inaasahan pangyayari biglang nawalan ng lahat dahil sa isang trahedyang yumanig sa kanyang buhay. Sa desperasyon ng kanyang tiyuhin, binalak siyang ibenta, ngunit sa huling sandali nakatakas siya sa isang madilim na kapalaran. Sa kanyang pagtakas, nakilala niya si Zack Delgado, isang misteryosong billionaire na hindi lamang tumulong sa kanya kundi nagbigay din ng panibagong direksyon sa kanyang buhay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nauwi sila sa isang gabi ng pagnanasa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may isang tanong na bumabalot sa isipan ni Amethysts. Ano nga ba ang tunay na intensyon ni Zack? Dahan-dahang paghulog ng kanyang loob, ano ang magiging kapalit ng kanyang puso?
Romance
1034.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1036.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Devil Husband

My Devil Husband

She thought arranged marriages are just for Chinese. Pero nagkamali siya nang siya mismo ang ipinagkasundo ng sariling pamilya sa nag-iisang apong lalaki ng kaibigan ng Lolo niya. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil ang lalaking pakakasalan niya ay isang mayabang, arogante at masama ang ugali na walang ibang ginawa kundi inisin siya kapag nagtatagpo ang landas nila at ginagawa nito ang lahat ng paraan para lang mapaatras siya sa kasunduan. Will their hate for each other eventually turn into love or will the hate gets worst that may cause war between the two families?
Romance
1046.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.638.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Monster CEO's Twins

The Monster CEO's Twins

Ava Blythe Jones, isang maganda, masipag, at independiyenteng babae na may kakila-kilabot na nakaraan. Bago masaksihan ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang, ay tumatak sa kaniyang isipan ang kahuli-hulihang habilin ng mga ito, na magtago at lumayo sa makapangyarihang Fonteverde. Nang gabing ginulo na naman siya ng isang masamang panaginip at hindi na muling makatulog ay nagpasya siya na pumunta sa isang night club para pansamantalang makalimot. Hindi aakalain ni Ava na ang gabing iyon ang maglalapit sa kaniya sa anak ng taong matagal na niyang tinataguan. Ang mas malala pa roon ay may nangyari sa kanila. Nagkaroon sila ng kambal na anak, ngunit bago pa malaman ni Alas Fredo Fonteverde, ang makapangyarihan at kilala bilang isang halimaw na CEO, ay tumakbo at nagpakalayo na si Ava. Hindi nanaisin ni Ava na makilala ng kaniyang mga anak ang demonyong ama ng mga ito. Lalo pa nang dahil kay Alas ay nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na babae. Sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas ay binabalak niyang paghigantihan ang mga magulang nito at bawiin ang kaniyang anak na babae. At sa pagbabalik na iyon ay malabo na siyang makilala ng isang Alas Fonteverde dahil sa ibang-iba na siya mula sa Ava noon; isa na siyang sopistikada at matalinong babae. Mapagtagumpayan kaya ni Ava ang kaniyang planong maghiganti at mabawi ang anak? O pati siya ay mapapahamak sa mga bisig ng isang kinikilalang “The Monster CEO?”
Romance
9.947.0K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (22)
Read
Idagdag sa library
Blissy Lou
Magandang araw po! ^^ Sa mga mambabasa ng TMCT na maliligaw po rito sa comment section, ako po ay nagpapasalamat ng sobra sa suporta as reader ng kuwentong ito. Hindi ko po inaasahan na tataas pa po ang views, subs., at gems na matatanggap ko po rito. Maging ang share ko po.
cursebyharrrt
Wow, now ko lang nabasa ang blurb/synopsis ng librong ito. From role play world itinuloy ang pagmamahalan nila sa isang kuwento. Ang ganda, maganda rin siguro kung magkakaroon ito ng physical book, iyon lang author keep writing, still waiting for your update sa ibang on-going novel mo ...
Basahin ang Lahat ng Review
Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire

Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire

Maagang naulila sa ina si Aleisha. Kaya naman nang mag-asawang muli ang kanyang ama ay naging miserable ang buhay nila ng kanyang kapatid. Nalugi ang kanilang negosyo kung kaya ay binenta si Aleisha ng kanyang madrasta para maging pambayad-utang. Bilang kapalit ay ipapagamot nito ang kapatid niyang may sakit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay maling hotel room ang napasukan ni Aleisha. Naibigay niya ang kanyang pagkababae sa lalakeng hindi niya naman kilala. Anong gagawin ni Aleisha kapag nalamang ang lalakeng nakaniig ng isang gabi ay siya pa lang itinakda ng kanyang yumaong ina bilang kanyang mapapangasawa? Ang malala pa ay mabubuntis siya nito. Tatakas ba siya? O haharapin ang nakatadhanang buhay para sa kanya?
Romance
9.834.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling In Love To His Slave

Falling In Love To His Slave

Lumaki sa ampunan si Carla, lahat ng masasakit na salita at pag aalila sa kanya sa ampunan ay naranasan na niya. Isang araw nalaman niyang may bibili na sa kanya tuwa ang nararamdaman niya dahil buong akala niya ay makakawala na siya sa hirap na dinanas niya, ngunit mas lalala pa. Lumaking nakukuha ni Dominic Marco ang lahat ng gusto niya, nag iisang anak lang siya ng mga Marco. Lahat binibigay ng kanyang in a upang sasaya siya. Then she decided to buy a slave for his son
Romance
1046.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Taste Of Lust

The Taste Of Lust

Warning ⚠️ This novel has er*tic elements, detailed s*xual scenes. Please read at your own risk. Mula pagkabata ay gusto na ni Elise si Thrasius, na kasama niyang lumaki sa orphanage at naghiwalay nang kunin ito ng tatay. Sa pagkikita nilang muli, nagbago na ito, tila limot na ang pangako sa kaniya. Nang malasing siya sa reunion ng pamilya ni Thrasius, nabuo ang kanyang plano, ang akitin ito at ibigay ang kaniyang sarili. Nagtagumpay nga siya, ngunit tila may mali. Hindi alam ni Thrasius na may nangyaring sekswal sa kanila. Halos matunaw siya sa kahihiyan nang matuklasan na ang lalaking nakaniig niya ay si Terrence, ang half-brother ni Thrasius! She hates Terrence because he's a naughty playboy and curses a lot. Pero wala siyang choice at nakisama rito dahil ito lang ang willing magpatira sa kaniya sa bahay nito. But while staying at Terrence's house, she discovered something interesting about him, especially how he pleasures women with his odd styles. She found a cure for her traumatic past. Until lust linked them, and it became their addiction. Halos makalimutan na niya si Thrasius dahil kay Terrence, ngunit bigla naman itong nagparamdam. Ano ang pipiliin niya, ang sigaw ng puso, o tawag ng kamunduhan?
Romance
9.945.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3637383940
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status