Lahid
At matapos ang pagsigaw na iyon, nagkagulo na ang lahat ng biglang sumalakay sa ere ang mga halimaw na may mga mahahaba at malalaking mga pakpak.
Mga Gorgono, ang aking nawari agad nang makita ang uri ng halimaw na sumulong roon. Ang mga Gorgono ay mga uri ng bampirang may mga pakpak. Pambihira lamang ang mga bampirang ganito na kalimitang nangyayari sa dugo ng iisang pamilya at kalimitang matatagpuan lamang sa ilang bahagi ng Timog Amerika. Malakas at mabilis ang mga ito dahil nakakalipad. May mga matutulis itong mga kuko sa kamay at mga pangil sa bibig pero ang pinagkaiba lamang ng mga ito sa karaniwang bampira ay hindi na kailanman mababago ang halimaw na mga hitsura nila.
인기 회차