Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)

Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)

Kuntento na sa buhay niya ang isang Scott Miguel Stewart. Umiikot lang ang pagiging single niya sa trabaho at sa kompanya na pag-aari ng pamilya niya. Minsan din ay ang past time sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kaniya. Ngunit never pa siyang na inlove. Takbuhan din si Scott ng mga matalik niyang kaibigan kapag may kinakaharap na gusot. Bukod kasi sa pagiging CEO ng family business, isa ring tapat at matapang na attorney ang isang Scott Miguel. Lagi niyang sinasabing hindi siya nagmamadali pagdating sa usaping pag-ibig dahil maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Nag-e-enjoy siya sa pagiging single. Ika nga ni Scott, hindi pa ipinanganganak ang babae para sa kanya. Hindi siya naiinggit sa mga kaibigan niyang may kaniya-kaniya ng pamilya. Hanggang isang araw, may babaeng nakakuha sa atensyon ni Scott Miguel. Walang iba kun'di si Lovebele Lozano. Nakilala ni Scott si Lovebele, na dancer sa Elite club na pinuntahan nila ng dating classmate noong college pa siya. Ang dating mapaglaro sa pag-ibig na si Scott Miguel ay na inlove nang sobra. Inalok niya ng kasal si Lovebele. Iyun pala ay sinadyang mapalapit ng dalaga kay Attorney Scott upang ito’y paibigin at kapag nagtagumpay ay saka niya bibitiwan ang binata. Ang inaakala ni Attorney Scott na happy ending ay siya palang pagguho ng lahat ng pangarap niya para sa kanila ng babaeng iniibig. Abangan ang buhay pag-ibig ni Attorney Scott Miguel Stewart and Lovebele Lozano, “Attorney Scott's Sweetest Downfall.”
Romance
1018.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10542 viewsOngoing
Read
Add to library
My Playboy Boss

My Playboy Boss

30 years old Aia Cerez works for almost 9 years as secretary of a playboy CEO. Ang amo nya ay isang dominanteng palikero na lahat na lang yata ng babaeng lalapit dito at magpapakita ng motibo ay papatulan nito. Sino ba namang hindi mahuhulog sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ng isang Dark Oxford? Lahat ng babae ay napapatanga sa tuwing makaka harap siya. Makalaglag panty ang taglay nyang karisma na tanging si Aia lang yata ang hindi tinatablan. Sya lang ang bukod tanging babae na hindi nito nakakitaan ng interes sakanya kaya naman magkasundong magkasundo sila. Aia is already thirty years old Kaya naman pressured na pressured na rin siya sa kanyang lola na gustong gusto na syang magka asawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya pa rin makita ang lalaking magpapa interes sakanya. Masyado syang pihikan sa lalaki. Dahil walang mapisil na magiging karelasyon ay naisipan nya na lang magpa buntis. Tama! Hindi nya kailangan ng lalaki sa buhay nya kung sakit ng ulo lang ang ibibigay sakanya in the near future Kaya naisipan nyang mag punta sa isang bar. Dala ng kalasingan ay nagawa nyang makipag kilala sa isang lalaki at ayain itong makipag talik sakanya. Kinaumagahan pag mulat nya ng mata ay ang Boss nya ang nakita nyang katabi nya sa kama. Pero paanong ito ang nakaniig nya gayong kahit lasing sya ay alam nyang hindi ito ang huling kausap nya? Paano nya haharapin ang Boss nyang babaero matapos ang nangyari sakanila?
Romance
9.71.6M viewsOngoing
Show Reviews (101)
Read
Add to library
Rochellevi
So far maganda ang takbo ng story,saka na ko magbibigay ng full review pag matapos ko na basahin ang buong kwento. Nakakadala na kasi magbigay ng good review sa una kasi dun sa isang nabasa ko pagdating sa bandang huli ang pangit na ng takbo ng story, parang ayoko na tuloy basahin ang ending nya
anghel sa lupa
sa dami ng nabasa ko story dto lang ako nag top up tlaga Kasi maganda kwento nung umpisa pero parang sayang Kasi habang palayo ka ng palayo papangit ng papangit wla na kilig.Wala na kwenta pag aksayahan ng Oras basahin puro pasakit Kay Aia talaga bkt Kaya d nman lalaki ang bigyan nya ng pasakit hays
Read All Reviews
The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

 Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.  Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.  Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.      ●  SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.  Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.  At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.   Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?   Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.  Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.  May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
Romance
8.44.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Arrogant Man

Loving The Arrogant Man

Erica has fallen in love with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy si Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
Romance
10.9K viewsCompleted
Read
Add to library
A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

MaidenRose7
("You belong to me, okay? Once you think about someone else, you'll be punish!" - lord Stan Elthen Indelcio.) Si Stan Elthen Indelcio ay walang oras para sa pag-ibig dahil tanging paghihiganti lang ang nasa isip niya, hanggang sa nakilala niya ang isang magandang gangster chic na nagdala ng parehong liwanag at dilim sa parehong mundong ginagalawan niya. Gagawin niya ang lahat para lang mapasakamay ang sutil na dalaga. Hindi sigurado si Haidei tungkol sa mga motibo ni Stan nang kunin siya nito mula sa sariling grupong Ruffian upang magtrabaho bilang isa sa miyembro ng kanyang gang na Stygian. Ginawa ni Stan ang lahat para kumbinsihin si Haidei na mahal niya talaga ito pero isang hamak na playboy college student lang talaga ang tingin nito sakanya. Ang gusto lang gawin ni Haidei ay alagaan ang kanyang grupo, kaya napunta siya sa deal na panghabambuhay para sa mga gastusin at kaligtasan ng kanyang grupo, sinusunggaban niya agad ang pagkakataon. Hindi niya alam na ang pakikipagkasundo kay Stan ay isang kulungang imposibleng takasan. Unti-unting napawi ang kanyang ngiti, at ang kanyang tawa ay nalulusaw hanggang sa ang natitira na lang ay ang sirang puppet sa impyerno na nilikha ng kanyang personal na hangarin. Si Stan Elthen Indelcio, ang pinuno ng Stygian Beast, ay tumayong mag-isa para hanapin ang humamak sa Ina nito. Brutal, walang awa, at mapanganib, si Stan ay kinatatakutan ng lahat - maging ng mga halimaw na naglalayong patayin ang kanyang kaluluwa. The instant Stan notice what's happening, he took her under his wings, and even though he's all sharp edges and has threatening screams, she feel safe with him. Kung ang kaligtasan niya ay kapahamakan ni Stan? Ano ang gagawin niya? Hayaang mapahamak si Stan para sa kalayaan niya?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status