FOREVER MINE, MRS. CEO
SYNOPSIS: FOREVER MINE, MRS. CEO
Megan Ratajkowski built her billion-dollar empire based on one rule: never look back.
Five years ago, she was the most awaited bride in the country, preparing for a wedding worth 500 million pesos—an event that would’ve made her one of the most talked-about people in high society. But before she could even walk down the altar, her whole world crashed down. She received only one text message from Damien Harrington: “Don’t wait for me.”
Walang paliwanag. Walang paalam. Naiwan siyang may matinding kahihiyan sa harap ng lahat, at nasira ang puso at pangarap na binuo niya.
Ngayon, si Megan na ang pinakabata at pinakamakapangyarihang female CEO sa buong bansa. Ginawa niyang sandata ang tagumpay—cool, brilliant, at sinasabing walang puso pagdating sa negosyo. Ang tagumpay ang naging kalasag niya, para makalimutan ang lalaking minsan nang winasak ang lahat ng meron siya.
Pero may ibang plano ang tadhana. Isang mataas na pusta na merger deal ang magbabalik sa kanya sa nakaraan. Harap-harapin niya ulit ang taong ayaw na niyang makita: Damien Harrington.
Ngayon siya na ang pinuno ng Harrington Holdings—mas mayaman, mas mapanganib, at mas matindi pa sa dati. Sa sandaling pumasok siya sa boardroom at nagtama ang kanilang mga mata, biglang bumalik ang lahat ng sakit, galit, at mga alaala na akala niya ay nakalimutan na niya.
“You don’t get to walk back into my life like nothing happened,” mariin na sabi ni Megan.
“I’m not asking to walk back,” sagot ni Damien, na may matinding paninindigan sa kanyang boses. “I’m here to take what’s mine.”
Pero sa likod ng mga labanan sa negosyo, may katotohanang hindi nila maitatago. Limang taon siyang hinanap ni Damien saanman siya magpunta. Limang taon din na hindi siya nagmahal ng iba.