SWEET SINNER (FILIPINO)
tanong ulit ng binata.
Noon nag-ipon ng lakas ng loob si Mia saka niya tinitigan ng tuwid ang binata bago siya muling nagbuka ng bibig para magsalita. "May iba akong gusto nung high school, at siya ang first love ko. Ang totoo kahit kailan hindi siya nawala sa puso ko, lalo na sa mga panahong nagkakaroon kami ng problema noon ni Bernie at higit pang nagtumindi iyon nang malaman ko ang lahat ng ginagawa niyang panloloko sa akin. Kaya lang noon high school parang hindi niya ako nakikita, pero okay lang iyon, masaya ako na siya ang una kong minahal, at alam ko sa sarili ko na hanggang sa mamatay ako ang pagmamahal ko sa kanya ay mananatili na sa puso ko at babaunin ko iyon hanggang sa kabilang