Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO

Si Xavier Echiverri ay isang napaka-cold, matangkad, napakagwapong bachelor at perfectionist na CEO ng Heaven Shipping Inc.. Siya ang perpektong halimbawa ng isang CEO na parang refrigerator— ‘di basta-basta lumalambot, kahit sa harap ng mga magagandang empleyada. Para sa kanya, ang pag-ibig? Wala sa business plan! Ngunit ang tahimik niyang opisina ay biglang nagka-brownout sa presensya ng bagong empleyada, si Antonette Pinagpala. Si Antonette ay maganda, sexy, at mabait, ngunit isang certified walking disaster! Palaging may natatapong kape (karaniwan ay kay Xavier pa!), nalalaglag na folders, at minsan, siya mismo ang natutumba! Pero kahit laging epic fail, hindi siya nawawalan ng ngiti o ng lakas ng loob na bumati ng, “Good morning, Sir!” kahit na obvious na bad trip si Xavier sa mga bloopers niya. Ang akala ni Xavier, matutuyot siya sa stress ng mga epic fails ni Antonette. Pero sa bawat engot niyang hakbang, natatawa siya—sa umpisa, pilit na tawa lang; kalaunan, hindi niya na mapigilan ang tawang natural na natural. At unti-unti, nadidiskubre niyang ang “perfectionist” niyang puso ay kayang pakiligin ng isang disaster queen na gaya ni Antonette. Ngunit sa gitna ng kanilang nakakakilig na harutan, biglang lumitaw ang matagal nang nakalimutang bahagi ng buhay ni Xavier—si Isabella Maharlika, ang ex-fiancee niyang iniwan siya sa mismong araw ng kasal! At ngayon, bumalik siya upang kunin ang atensyon at pagmamahal ni Xavier, na tila nais niyang mabawi mula kay Antonette. Kaya ba niyang isantabi ang kanyang prinsipyo na "business-only" para sa masaya at nakakakilig na buhay kasama si Antonette?Pero kung magkakaalaman na ang lahat, sino nga ba ang pipiliin ni Xavier—Si Isabella o Siya?-ang perpektong pagmamahalan na minsan nang nagtapos, o ang bagong love story na puno ng epic fails pero walang kapantay na saya?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
Romance
1011.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Billionaire

Chasing the Billionaire

Synopsis Sa prestihiyosong St. Monteverde International University, kung saan nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya, isang simpleng scholarship student ang patuloy na humahabol sa lalaking tila hindi kailanman lilingon pabalik. Si Luna Villareal ay isang clumsy ngunit masayahing dalaga na lumaki sa hirap. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundo, matagal na niyang minamahal si Giovanni De Luca, ang kilalang campus billionaire at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Cold, distant, at tila walang puso, si Giovanni ay sanay na panatilihin ang distansya sa lahat, lalo na kay Luna na palaging sumusunod at nagpapakita ng pagmamahal. Ngunit sa likod ng malamig na imahe ni Giovanni ay isang lalaking may mabigat na responsibilidad at lihim na takot na masaktan. Habang patuloy na hinahabol ni Luna ang kanyang puso, unti-unting nababasag ang pader na matagal na nitong itinayo. Sa gitna ng inggit, social pressure, at mga taong gustong paghiwalayin sila, mapapatunayan kaya ni Luna na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa yaman o status? At handa ba si Giovanni na ipaglaban ang babaeng matagal na niyang piniling iwasan, pero hindi kailanman nakalimutan? Isang kwento ng paghahabol, pagtitiis, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamalamig na puso.
Romance
94 viewsOngoing
Read
Add to library
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Maddening Desires

Maddening Desires

VANILLARIOT
Jorge Czar Desjardin, isang Mafia Don ng isa sa pinaka matayog na organisasyon sa Pilipinas. Cold, Serious and Deadly. Ngunit sa kabila ng lahat ng katanyagan nito sa larangan ay iisa ang tanging hinahangad niya at iyon ay ang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng kanyang Ina. Jacintha Yza Desjardin, ampon ng mga Desjardin, isang matapang na babae, na hindi maalala ang kanyang nakaraan na kusang binura ng kanyang isipan. Feisty, Brave and Driven. Walang ibang nais kundi ang makawala sa mundo na puno ng p*tayan at bumuo ng pamilyang maituturing niyang kanya. Kaya ng mangyari ang mga di inaasahan at nagulo ang kanilang nakasanayan; ay wala na silang takas sa tensyong kanilang nararamdaman, kahit pa tingin nila ito ay kabaliwan. MEN OF POWER SERIES [ 1/5 ]
Romance
1.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10399 viewsOngoing
Read
Add to library
The Family Heirlooms

The Family Heirlooms

Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Other
10808 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES

LOVE TRIANGLE OF UNMATCHED PLEASURES

Si kiel isang binatang magbubukid na kinailangang mamasukan bilang house boy ni Don Teodoro para mabayaran ang pagkakautang ng kanyang ama na ginastos sa pagpapa aral sa kapatid na si Lyndon; isang criminology graduating student. Mula sa payak at inosenteng buhay ay mamumulat sya sa kamunduhan minsang gabing umuwing lasing ang bunso at nag iisang anak na babae ng kanyang amo; si Alice. Sa malamig na lamesang marmol inabutan ng tukso ang dalawang nagkikiskisan ng kani kanilang init ng katawan na hindi nila inaaasahang magbubunga. Sa unang beses nilang pagkikita ay may nangyari sa kanilang kahalayan na magdudulot ng responsibilidad na hindi nila napaghandaan. Engaged na si Alice nung mga panahong iyon kay Mikael na isang piloto at anak ng isang politiko, kahit hindi nya ito mahal dahil ipinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang para sa negosyo at koneksyon, gayunpaman ay walang sawang ipinapakita ni Mikael ang sinseridad at pagmamahal nya dito. Sa pagdaan ng oras ay tila nahuhulog ang loob nya dito, ngunit ang batang dinadala nya sa kanyang sinapupunan ay pag aari ni kiel, bunga ng makasalanang udyok ng kahalayan na gusto nyang ipalaglag. Tatlong lalaki sa buhay ni Alice, isang ama ng kanyang anak na isang beses nya lang naka niig, isang batang walang muwang na gusto nyang mawala, at isang nagmamahal sa kanyang hindi nya kayang suklian.
Romance
38 viewsOngoing
Read
Add to library
Naked Desire (SSPG R-18)

Naked Desire (SSPG R-18)

Nawasak ang mundo ni Astrid nang pagtaksilan siya ng dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya ito ang kanyang nobyo at ang kanyang matalik na kaibigan. Ang masakit pa, nabuntis ng kanyang ex-fiancé ang kanyang best friend na nauwi sa isang sapilitang kasalan. Dahil sa matinding trauma at emosyonal na sakit, na-trigger ang isang medikal na kondisyong matagal na niyang kinakalaban at ito ang Compulsive Sexual Behavior Disorder (CSBD) o hypersexuality. Sa bawat pag-alon ng kalungkutan, sumasabay ang isang nag-aapoy at mapusok na pagnanasang hindi niya mapigilan. Sa desperasyong mapawi ang matinding init na sumusunog sa kanyang katawan at isipan, gumawa si Astrid ng isang mapangahas na hakbang. Inalok niya ang kanyang gwapo ngunit istriktong boss, si Leandro Sandoval, ng isang lihim na kasunduan. Walang emosyon. Walang commitment. Tanging pagpaparaos lang tuwing aatakihin siya ng matinding pangangailangan. Pumayag si Leandro, at doon nagsimula ang kanilang mga nagbabagang lihim na tagpo. Sa likod ng mga nakasarang pinto ng opisina at sa mga madidilim na sulok, ibinibigay nila ang kanilang mga sarili sa tawag ng laman. Ngunit sa bawat patagong pagkikita at sa bawat nakapapasong haplos, hanggang saan nila kayang panindigan na parausan lang ang isa't isa? Sa larong pinaghaharian ng pagnanasa, paano kung ang mismong puso na ang maghanap ng higit pa sa Naked Desire?
Romance
116 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status