Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
When You Were Mine

When You Were Mine

QueenVie
Buong akala ni Kamila ay natagpuan na niya ang lalaking babago ng kaniyang buhay. Ang lalaking handa siyang mahalin ng totoo at tapat. Ngunit ang inaakala niyang mala-fairytale na buhay ay naging kabaligtaran pala nang malaman niya ang lihim ng asawa. Higit pa doon ay ang ginawa nito upang taposin na nang tuluyan ang taling nagdurugtong sa kanila. Sa kaniyang pagbabalik ay sinisiguro niyang magbabayad ng malaki ang may kagagawan kung bakit nawala sa kanya ang lahat. At uunahin na niya ang asawang si Miguel Coleson Guevarra. . . Ngunit paano kung ang paghihiganti ay mauwi sa isang mainit tagpo? Magagawa pa kaya niyang lunukin ang galit at magpalamon muli sa kaniyang emosyon?
104.3K viewsOngoingAdded to Library 108 Times as naging
Read
+Library
THE BILLIONAIRES HATER

THE BILLIONAIRES HATER

Stallia Iris
Ang tanging gusto lang ni Roief ay makaahon sa kahirapan kaya ginawa niya lahat para makakuha siya ng scholarship sa ibang bansa. Ngunit nasira ang lahat nang tangayin ng kapatid ang lahat ng perang pinag-ipunan niya. Kaya naman sumama siya sa matalik na kaibigan para sakaling mabawi niya sa casino ang perang ninakaw sa kanya ng kapatid. Naging mapaglaro nga lang ang tadhana sa kanya dahil nagising na lang siya isang umaga na hinahabol ng mga di kilalang tao. Ang malala pa ay natuklasan niyang nagdadalang tao siya. Kaya naman halos mabaliw siya kakaisip kung papaanong nagkaroon ng bata sa sinapupunan niya at kung sino ang ama.
1011.2K viewsOngoingAdded to Library 290 Times as naging
Read
+Library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
1012.3K viewsCompletedAdded to Library 271 Times as naging
Read
+Library
Nagbabagang Pagnanasa (SPG)

Nagbabagang Pagnanasa (SPG)

Tatlong taon naging lihim na asawa si Asefeh, isang asawang sa papel lamang may karapatan. Sa loob ng mga panahong iyon, paulit-ulit niyang naramdaman na kailanman ay hindi siya pipiliin ng kanyang asawa, na hindi siya kayang mahalin nito. Sa gabing tuluyan siyang itinaboy ng kanyang asawa matapos ang isang matinding pagtatalo, lasing at wasak siyang napadpad sa isang presidential suite. Doon niya nakilala ang isang estrangherong nagbigay sa kanya ng init at pansamantalang paghinga. For one reckless night, she finally felt wanted. Pero paano kung ang nakatalik niya sa gabing iyon ay ang tiyo ng kanyang asawa? Tatakbuhan ba niya ito? Magpapanggap na walang nangyari? What started as a mistake became an obsession.
109.5K viewsOngoingAdded to Library 217 Times as naging
Read
+Library
The billionaire's agent

The billionaire's agent

Isang anak ng magaling na agent si Wilson marasigan, na kinilala noon bilang isang magaling na agent noon. Samantalang si Elijah ay lumaki naman sa bahay ampunan , dahil sa pag kamatay ng kanyang mga magulang. Nang siya ay lumaki ay nag tungo siya sa ahensya kung saan nag trabaho ang mga magulang niya at nag trabaho siya doon bilang isang magaling na agent. At dahil sa isang mission ay nag kakilala si Wilson marasigan at Elijah . Na naging dahilan para lumabas ang totoo pag katao ni Wilson. At dahil doon ay inutusan siya gawing isang tunay na lalaki si wilson, magampanan kaya niya ang kanyang tungkulin o tunay na niya ibigin si Wilson?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as naging
Read
+Library
Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back

Done Being Submissive: The CEO's Secret Wife Strikes Back

Tatlong taon naging asawa ni Destiny Mercado si Rafael Buenavista, pero ni minsan ay hindi siya ipinakilala nito sa publiko. Mas masakit pa, kumalat ang chismis na siya raw ang kabit, habang ang tunay na mahal ni Rafael ay ang kababata nitong si Celeste Villareal. Pero nang tuluyan nang bumitaw si Destiny at bumalik sa showbiz, doon lang nagsimulang matauhan si Rafael. Isa-isang napanalunan ni Destiny ang mga parangal bilang Best Actress, at mas lalo pang sumikat ang pangalan niya sa showbiz industry. Kaya nang muling lumuhod si Rafael at inalok si Destiny ng kasal, malamig lang itong ngumiti. “You’re too late, Rafael. The woman who loved you is already gone.”
114 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as naging
Read
+Library
Contracted Wife of the Billionaire

Contracted Wife of the Billionaire

Cassiane Dela Vega, isang 23-anyos na dalagang lumaki sa kahirapan, ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nang magkasakit ng malubha ang kanyang kapatid na si Caleb, napilitan siyang tanggapin ang isang kasunduang magbabago ng kanyang buhay—isang kasal kay Kane Remy Finnegan, isang 25-anyos na CEO na kilala sa kanyang malamig at walang pusong personalidad. Para kay Kane, ang kasal ay isa lamang transaksyon para masunod ang kagustuhan ng kanyang lolo—walang emosyon, walang koneksyon. Sa simula, malamig at kontrolado si Kane habang pilit namang inaarok ni Cassiane ang bagong mundo na kanyang ginagalawan. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting natutukso si Kane sa kabutihan at init ng puso ni Cassiane. Habang nababasag ang mga pader sa puso ni Kane, lumalalim naman ang komplikasyon ng kanilang relasyon. Sa likod ng kasunduang walang puwang ang damdamin, unti-unting namumuo ang emosyon na kanilang parehong pilit itinatanggi. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dumating ang sandaling sinaktan ni Kane si Cassiane, dala ng paniniwalang siya lamang ang may nararamdaman. Nangyari ang isang gabi na nagbago ng lahat, kung saan ipinilit ni Kane ang kanyang damdamin at pag-angkin kay Cassiane. Kalauna’y napagtanto niyang mahal din siya ng dalaga. Sa kabila ng mga pagsubok, sakit, at lihim na kanilang hinarap, natutunan nilang yakapin ang isa’t isa at ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa huli, nanaig ang pag-ibig. Napalambot ni Cassiane ang pusong dating tila yelo. Naging masaya silang mag-asawa at nabuo ang kanilang pamilya kasama ang dalawa nilang anak—isang patunay na sa likod ng kasunduan, maaaring umusbong ang tunay na pagmamahalan.
802 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as naging
Read
+Library
TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )

TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )

Si Lindsay Zamora ay isang simpleng sales lady na umibig sa mayamang si Jake Monteverde. Sa loob ng maraming buwan, naniwala siyang siya ang babaeng mahal nito. Ngunit sa isang birthday party, natuklasan niyang hindi pala siya bahagi ng mundong ipinapakita ni Jake sa iba. Hindi siya kasama sa guest list, hindi siya kilala ng pamilya nito, at tila isa lamang siyang lihim na itinatago. Sa gitna ng kanyang pagkadismaya, isang tao ang hindi niya inaasahang magiging sandalan, si James Monteverde, ang makapangyarihan at respetadong ama ni Jake. Nagsimula sa simpleng pag-uusap ang lahat. Hanggang sa naging pagkakaibigan. At bago nila namalayan, pareho na silang nahuhulog sa isa't isa. Alam nilang mali. Alam nilang may masasaktan. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi nila napigilan ang damdaming namamagitan sa kanila. Nauwi ang kanilang lihim na relasyon sa isang gabing nagpabago sa lahat. At nang akalain ni Lindsay na mas komplikado pa ang sitwasyon, isang mas malaking sikreto ang kanyang natuklasan. Buntis siya. At ang ama ng batang dinadala niya ay si James Monteverde. Ngayon, kailangang harapin ni Lindsay ang pinakamahirap na desisyon sa buhay niya. Paano niya sasabihin kay Jake na ang babaeng minsan niyang minahal ay nagdadala ng anak ng sarili niyang ama? Ano ang mangyayari kapag nalaman ni James ang katotohanan? At kaya bang mabuhay ng isang pag-ibig na nagsimula sa maling pagkakataon ngunit naging tunay sa paglipas ng panahon? Sa mundong puno ng lihim, pagtataksil, at ipinagbabawal na pag-ibig, isang babae ang kailangang pumili sa pagitan ng konsensya at kaligayahan Dahil minsan, ang pinakamalaking kasalanan ay hindi ang magmahal... kundi ang mahalin ang taong hindi mo dapat minahal.
10357 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as naging
Read
+Library
I fell inlove with the Wrong man

I fell inlove with the Wrong man

Betchay
Ako si Eloisa Macaraeg, 19 yrs. Old.. Nag-iisang anak ng babaeng bulag na si aling sonya Lumaki akong hindi nasilayan ng aking ina ang aking naging itsura.. At Dahil sa ginahasa lamang siya ng aking ama. Nang isilang ako ng aking ina, sinikap niya akong buhayin mag-isa, sa paglalabada lamang.. Dahil matapos na magahasa ang aking ina ng lalakeng adik. Mula noon hindi na ito nagparamdam pa sa aking ina. Sinikap akong pag aralin ng aking ina. At dahil sa biniyayaan ako ng katalinuhan, nagiging iskolar ako sa mga pinasukan kung school, mula elementary hanggang sa ako'y makapag tapos ng high school.. Ngunit sa kasamaang palad ng ako'y mag kokolehiyo na.. Hindi ko na ito natapos.. Hanggang 2 yrs. Lamang ang nakayanan ko, dahil nagkasakit na ang aking ina ng malubha.. At walang mag-aalaga sa kanya. Lingid sa kaalaman ng aking ina, lumalaki akong isang napakagandang bata. Maganda rin ang hubog ng aking katawan na namana ko sa aking ina. Hindi ako kaputian, pero makinis ang aking balat. Dahil sa kapos kami sa pagkain.. Nagdalaga akong balingkinitan lamang ang aking katawan, matangkad ako at natural ang pagka curly ng hair ko. Nang ganap na ika 19 years old ko.. Nagpasya na akong pumunta ng maynila upang makapaghanap ng trabaho. At napansin ko rin naman na medyo gumanda na ang kalusugan ng aking ina. Sa pag punta ko sa maynila, nakahanap ako ng magandang trabaho, ngunit may naging kapalit.. At ito ay ang pagka durog ng aking puso.. Nang malaman ang lihim ng aking pagka tao.. May pag Asa pa kaya akong makaahon sa hirap? At maging masaya?..
107.3K viewsCompletedAdded to Library 220 Times as naging
Read
+Library
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
8.7496.0K viewsOngoingAdded to Library 17.4K Times as naging
Show Reviews (79)
Read
+Library
Purple Moonlight
Hi, everyone! Sa mga napagsarhan ng book nag-optimize po kasi ang libro. Tinanggal po ang title per chapter kaya mahirap hanapin. Iyong latest po na Chapter 326: Diamond Ring ay nasa Chapter 372 na para hindi kayo malito, 'yun na lang po ang buksan niyo para makasunod kayo ulit. Salamat. <3
Getteskie Sualog
etong kay leon at gail dito ako nagtutuon ng pansin kase oo slowly lang hindi agad natatauhan yung lalaki. hindi gaya sa iba na yung iilang chapter lang narealize agad n mahal nya pala yung asawa nya hahaha sa totoong buhay hindi tlaga yun ganun kadali. kse una nya tlga mahal si nica ganda ng story
Read All Reviews
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status