Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1019.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”
Romance
1011.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
5678910
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status