Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Mistaken Identity

Mistaken Identity

Kahapon lang ay single pa siya. Ngunit ngayong araw na ito, magiging Mrs. Catherine Villanueva na siya. Pakiramdam niya ay nabudol-budol siya ng Daddy niya. Paano siya nitong napapayag makasal sa isang lalaking ni hindi man lang niya minahal. Bakit nga ba siya pumayag sa gustong mangyari ng Daddy niya porke’t iniyakan lang siya nito? Ngunit ang mas lalong nakakasindak, ipapakasal siya nito sa isang lalaking lantaran namang umamin sa kanya na isa itong member ng LGBTQIA community. Feeling tuloy niya, um-order lang ng mapapangasawa niya online ang Daddy niya, may defect pa. May defect dahil lalaki rin ang hilig nito at hindi babae. At no return, no exchange na pala ang kasunduang ito dahil legit ang marriage contract nilang dalawa. Hindi ito isang panaginip lang. Ngunit naisip niyang dahil lalaki rin ang type ng asawa niya, at least ay safe siya kasama nito. Malaya siyang makakapagbihis sa harapan nito at alam niyang kahit anong gawin niya, wala talagang mangyayari sa kanilang dalawa. Pero kung bakla ito bakit may girlfriend ito? At bakit, unti-unti, parang nakakaramdam na siya ng selos sa tuwing makikita niya ito kasama ng girlfriend nito? Hanggang isang araw ay makita niya ang asawa, not just one but two. Namamalikmata lang ba siya or sadyang may kakambal ito? Isang member ng LGBTQIA community na si Anthony. At isang lalaking-lalaki na si Andy. Pero kanino sa dalawang ito ba siya talaga ikinasal?
Romance
1096.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Romance
295 viewsOngoing
Read
Add to library
Black Butterfly (Queen of the Gangsters)

Black Butterfly (Queen of the Gangsters)

"AJust like in highschool, if you have the rooftop, it means that it is your territory and there would be no one to stop your ascension...but, standing at the top gives bittersweet feelings too in between your glory and sorry." Biglaan ang pag-uwi ni Bella sa Pilipinas upang makita ang kanyang lolo na hindi niya kilala. Pagkauwi ay iba ang naabutan niya, ang testamentong siya ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng mga Echizen. Pagkatapos niyon, ayaw na siyang pabalikin ng kanyang ina sa Japan, ang bansang naging tahanan niya ng sampung taon, dahil nalaman nila ang pinakatatago niyang sikreto na isa siyang gangster. Nangako siya sa kanyang ina na magbabagong buhay. At dahil doon ay nagtago siya sa pagiging isang nerd. First day of school, nakabangga na niya ang bully na si Jarvis Fortalejo na kilala bilang Emperor ng Black Dragon Gang, ang kinatatakutan na gang sa Pilipinas. Dahil sa insidenteng iyon ay hindi na matamihik ang kanyang school life kaya naisip ni Bella ang makipag deal sa black dragon gang pero hindi niya akalain na iyon ang makakapagbago na kanyang buhay. Bella was forced to disguise as the girlfriend of the Emperor and she hated his guts! Jarvis Fortalejo is sure to be the king of arrogance, hot headed and ruthless leader pero biglang naglaho ang impression niyang iyon nang makilala niya ito. Marunong din pala siyang tumawa at masaya rin palang kasama. Hanggang sa dumating na nga ang araw na— she fell in love with him. But becoming the Emperor’s Queen will not be easy as she will be forced to face the challenge of his underlings, the 5 Gangs. Will she fall back and lose the man he learned to love or will the legendary Black Butterfly step up to win the fight?
Romance
9.9202.9K viewsOngoing
Show Reviews (116)
Read
Add to library
Shoto Todoroki
Suuuupeer ganda po ng story Miss A! Halos mabaliw na nga po ako nung sa watty pa'ko nagbabasa. Buti na lng may nakapag-mention na sa app na'to na daw po kayo nagu-update. Araw-araw ko na nga inoopen 'tong app na 'to para lang maka-collect ng rewards. Super worth it ang paghihintay. Salute to Miss A!
crizelllllll
been waiting for 6 years, thank you for comeback missLara. But serious questions, tuloy tuloy na po ba yun update niyo until matapos yun story? baka po kasi mag hiatus na naman(no offense po) I'll definitely spend money just to read this story po that is why I want to know if tuloy tuloy na po siya?
Read All Reviews
The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

One drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Romance
10103 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE

THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE

Paano kung isang araw, you became the billionaires wife? Yung akala mong pulubi ay mas mayaman pala sayo? Klaihuse Farrel Velasco, a billionaire ceo also known as the cold hearted bachelor business tycoon in the asia who don't care at people around him. A man who don't believe in love, because of his past. He pretend to be a beggar to find a wife because his parents wants him to be arranged marriage by someone he doesn't love and know at the first place. Sinabi niya sa parents niya na meron siyang girlfriend at mahal na mahal niya ito at siya lang ang babaeng papakasalan niya even though it's not true, he just said that to make his parents stop but unfortunately his parents want to meet the girl as soon as possible. Pero alam niya sa sarili niya na wala siyang maipakilala dahil hindi niya naisip na hihilingin 'yun ng magulang niya that's why he came up to the idea to pretend as a beggar to find a woman with a good and kind hearted heart in just a week. He asked his parents to give him a week to talk to his girlfriend kuno kung papayag ba siya pero hindi 'yun totoo. The truth is, he will find a woman who's fit to be his fake wife na maihaharap niya sa parents niya. Pero paano kong mahirapan siyang maka hanap ng babaeng ayon sa gusto niya sa loob lamang ng isang linggo? Will he succeed o tatanggapin nalang niya ang kapalaran niya na maikasal sa babaeng hindi niya mahal o gusto man lang? Aayon kaya sakaniya ang panahon at tadhana? Makaka hanap kaya siya ng babaeng magiging asawa niya sa loob lamang ng isang linggo?
Romance
563 viewsOngoing
Read
Add to library
A Writer's Romance (Filipino-English)

A Writer's Romance (Filipino-English)

Youniqueen
Hindi matanggap ni Syler ang harap-harapang pagtataksil na ginawa sa kanya ng lalaki na una niyang minahal. Of course, she wanted to get even with her ex-boyfriend. Hindi siya makapapayag na hindi ito magantihan matapos siya nitong huthutan ng malaking salapi. Isa sa naisip niyang paraan para makaganti ay siraan ito sa mga nobelang sinusulat niya. Magpakalunod sa alak ang naging solusyon niya sa unang kabiguan sa pag-ibig, ngunit nang mahimasmasan ay doon lang niya napagtanto na nasa ibang kuwarto na siya. It was Rusty Vergara's unit for holy heaven sake! Hindi niya akalain na sa katauhan nito ay madali niyang maipapamukha sa kanyang ex-boyfriend na sa isang kisapmata lang ay kayang-kaya niya itong ipagpalit. Pero sabi nga nila magaling maglaro ang tadhana. Kaya kung makikipaglaro ka rito, siguraduhin mong matalino ka para hindi ka uuwing luhaan sa huli. "We won't fall in love to each other." Ito pa ang natatandaan niyang sinambit niya nang buong tapang. Ano'ng nangyari? Kinain niya lahat nang sinabi niya, dahil isang araw nagising na lang si Syler na gusto na niya ang binata. It was not a part of their deal. Wala man iyon sa plano niya ay handa na siyang sumubok magmahal muli. 'Yon nga lang ay hindi siya naging handa sa panibagong kamalasan na darating. Yes, she's a romance writer. Umiikot sa usaping pag-ibig ang mga sinusulat niya. Pero dahil sa kabiguan din sa pag-ibig ay ayaw na niyang maniwala na nag-eexist pa ang happy ending, kung hindi rin naman siya ang magiging heroine ni Rusty sa totoong buhay.
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Consultant Turned Contracted Wife

Consultant Turned Contracted Wife

Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
Romance
1032.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status