Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”
Short Story · Mafia
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Between the Mafia's and the Agent's

Between the Mafia's and the Agent's

“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau. “Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila. “Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau. “Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy. “Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila. “So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan. “What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko 'agad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila. “Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau. “Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via. "At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito sa probinsya kaya kami napasugod 'agad." dagdag pa ni Via. Paano pagnalaman ni Franz na ang babaeng nasa likod ng maskara at ang babaeng pinakamamahal n'ya ay iisa?
Mafia
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Mhiya Anne, 17 years old, is a hardworking high school student juggling studies and work in the public market just to survive. Wala na siyang pamilya — mag-isa na lang siya sa buhay. Pero isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis siya ng kaklase niya matapos ang isang gabing di niya maalala—isang gabing lasing siya at walang matandaan. Pinatira siya ng pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa una, mabait. Pero nang mailabas ang anak niya, nagsimula ang totoong hirap. Pinilit siyang magtrabaho muli dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula sa panganganak, para raw “makabawi.” Ang mas masakit, ang ama ng kanyang anak may iba na — at never siyang pinanindigan. Hanggang sa isang araw, tumanggap siya ng text na bumasag sa puso niya: *“Dinala na namin sa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat. Maghanda ka ng malaking pera. Hindi kami magbabayad pang hospital ng anak mo. Kulang pa ang binibigay mo kada linggo.”* Luhaan siyang tumakbo sa ospital kahit walang-wala. Pero huli na ang lahat. Hindi na niya inabutan ang anak niya nang buhay. Doon gumuho ang buong pagkatao niya. Ang nag-iisa niyang dahilan para mabuhay… nawala. At sa araw ding ‘yon, wala na rin siyang dahilan para lumaban — hanggang sa isang hindi inaasahang babae ang lumapit sa kanya. Si Lorainne Montemayor. At isang alok ang magbabago sa buhay niya **Lorenzo Montemayor**, 30 years old. Gwapo. Matalino. Mayaman. Kilala sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng tagumpay ay isang pusong sugatan — iniwan ng kanyang long-time childhood fiancée, na nag loko pa at hindi kayang panindigan ang kanilang anak. Ayaw ng babae sa responsibilidad, iniwan ang lahat kay Lorenzo. Dalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang sugat. Pero iisang dahilan kung bakit sila natutong lumaban — **ang kanilang anak.**
Romance
638 viewsOngoing
Read
Add to library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status