Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1067.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Arrangement Between Strangers

Arrangement Between Strangers

EMRLDX
"I-I just married a stranger!" Isang kasunduang kasal ang naganap sa pagitan ng mga estranghero, maisakatuparan lang ang kanya-kanyang layunin. Ang negosyo ng pamilya Alvarez ay unti-unti nang nalulugi na siya ring dahilan ng unti-unti nitong pagbagsak. Isa nalang ang paraan upang maisalba lahat ng pinaghirapan nila, iyon ay ang ipagkasundong ipakasal ang anak nilang si Elle, sa anak ng mag-asawang Martinez. Si Ashton Klyde ang natatanging binata na ipinagkalooban ng naipong mana mula sa angkan ng Martinez. Ngunit, makukuha lang nito ang lahat kung siya ay ikinasal na. At sa kagustuhang maipasa sa kanya ang mana, pumayag siya sa isang kasunduang labag rin sa loob niya... Ang kasunduang ikasal sa taong wala siyang pagkakakilanlan. Dalawang bagay lang ang kailangan nilang gawin upang magtagumpay, ang tumira sa iisang bubong at magpanggap bilang mag-asawang nagmamahalan. Ngunit, may mabubuo kayang pag-ibig sa kasal na wala namang pagmamahal? At, pauusbungin pa ba nila ang mga nararamdaman nila sa oras na malaman nila ang tunay na pagkakakilanlan ng taong pinakasalan nila?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Sa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito. Samantala, si Alina naman ay nahahati sa pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Fate in love has been something that Aqee finds interesting yet has never really experienced. She believes fate has its own favoritism, and it wasn't her. Her fate in life was turning bright, yet it made her love story darker by time. Para bang ang kapalit ng success niya sa buhay ay ang mag-isa habang buhay. It wasn't her choice to begin with. She wanted to be loved how she knows love is. Gusto niya maramdaman ang nararamdaman ng iba. Gusto niya maranasan ang nararanasan ng iba tuwing nagmamahal. Kahit hindi na siya baguhan sa isang relasyon, hindi siya tumigil sa paghihintay na baka isang araw ay paglaruan siya ng kaniyang tadhana at makilala ang lalaking iibigin siya hanggang wakas ng paulit-ulit sa iba-ibang pagkakataon. Ngunit handa na ba talaga si Aqee sa pagmamahal na ibibigay sakaniya ng tadhana? O nandyan lamang ang kaniyang hinahanap pero hindi niya lang pinapansin? Paano nga ba makikipaglaro ang tadhana niya sa kaniyang kwentong pag-ibig?
Romance
10186 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Anning
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Romance
454 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Babae Sa Barko

Ang Babae Sa Barko

Bossy, strict hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Colleen Brylle Castro, isang Chief Engineer ng isa sa malaki at sikat na luxury cruise ship na lumilibot sa buong Europe at Asia. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na inaaksaya para lamang makipagtalo o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makilala niya ang 21 years okd na bubbly, playgirl at spoiled brat na 'rich kid' at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi ay kulitin siya? At ano ang gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit 'di niya pa rin mapigilang ma-in love dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
LGBTQ+
107.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Falling In Love With My Husband In Law

Falling In Love With My Husband In Law

ShanCaiStories
Mula pagkabata ay pangarap na ni Princess ang maging isang modelo. Sa taglay niyang tangkad at ganda ay hindi siya nahirapang abutin iyon. Naging maganda ang kanyang modeling career maging sa local at international kaya naman masaya siya sa tinatakbo ng kanyang buhay. Ngunit isang balita ang biglang babago. Ipapakasal siya ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi man lang niya kilala. Siya ay si Ethan Rodriguez. Gwapo, matangkad at malakas ang sex appeal lalo na sa mga babae. Sa unang pagkikita pa lamang nila ay may kakaiba ng namamagitan sa pagitan nilang dalawa. Noong una ay napagkasunduan nila na magkunwari na masaya sa pagsasama bilang mag-asawa. Hahanap ng tiyempo at kukumbinsihin ang kani-kanilang magulang na palayain ang isa’t isa s dahil hindi sila masaya sa company ng bawat isa. Magagawa pa ba nilang ituloy ang plano nilang paghihiwalay kung tuluyan ng nahulog ang loob nila sa isa’t isa? O aamin sila sa tunay na nararamdaman nila upang itama ang pagsasama nilang nasimulan?
Romance
1.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
1010.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
Romance
9.722.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE WALKING NIGHTMARE

THE WALKING NIGHTMARE

FoolsDome
Deinna Amalia is a walking daydream. Maganda, mabait, masunurin at higit sa lahat, masayahin. She grew up in a very loving home. Her Mama and Papa were loving parents. She spend her childhood and teenage years having her parents, and when her dad left her, it became to uneasy for her and for her family to recover. She's a very sentimental person. She also values marriage and love. She has her own principles. When a man suddenly came into her quiet life, her life changed. Craile Arvin , a known- businessman asks her for marriage. . . A business marriage. A marriage for the sake of his shares on their companies. No love involved; no affection at all. Sa pagdating niya sa buhay ni Amalia ay natutunan ng dalaga na maaari rin pala siyang umibig kahit na sa umpisa'y wala siyang nararamdaman para sa lalaki. She also learned the feeling of being hurt by someone you love. She learned that love is not always about the dreams; that love is also about nightmares. She's a walking daydream, but what if she's also a walking nightmare? Well, wether she's a dream or a nightmare, she'll be love by her man. “I'm a nightmare dressed like a daydream.“
Romance
1.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1415161718
...
31
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status