Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kidnapped by my Ex

Kidnapped by my Ex

Warning: Rated SPG(R-18) Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw. Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata. Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki. Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya. Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, kaya anong ibig sabihin ng lahat? “Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon. Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya, nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan. Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban. “Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong. “Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?”
104.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 166 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
The Ex I Could Never Forget

The Ex I Could Never Forget

Akala ni Leila, tuluyan na niyang nailibing sa nakaraan ang pagmamahalan nila ni Dylan—ang lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit isang araw, bigla na lamang siyang iniwan nito nang walang paalam. Lingid sa kaalaman ni Dylan, nagbunga ang pagmamahalan nila. Lumipas ang ilang taon at pilit na tinanggap ni Leila na hanggang alaala na lang si Dylan. Tahimik niyang binuo ang buhay para sa sarili at sa anak na buong puso niyang minahal. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang tahimik niyang mundo nang makapasok siya bilang intern sa isang kilalang kumpanya—ang kumpanyang pagmamay-ari mismo ni Dylan Villareal. Sa muli nilang pagkikita, agad nagtaka si Leila nang tila hindi siya makilala ni Dylan. Ang lalaking minsang naging kabahagi ng kanyang buhay ay tinrato siya na parang isang estranghero lamang. Hanggang sa unti-unti niyang makumpirma na may amnesia si Dylan at wala na itong alaala tungkol sa kanilang nakaraan. Mas lalong naging komplikado ang lahat nang mapansin ni Dylan si Leila. Dahil sa husay at dedikasyon nito sa trabaho, mabilis niya itong ginawang personal assistant mula sa pagiging intern lamang. Unti-unti ring nagsimulang makapukaw ng pansin kay Dylan ang dalagang tahimik ngunit matatag, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Habang araw-araw silang magkasama, mas lalo siyang naguguluhan sa biglaang emosyon na nararamdaman niya para kay Leila—emotions he cannot explain, yet cannot ignore. Ngunit mas lalo siyang nagulantang nang matuklasan niya na ang batang si Oliver—ang masayahin at nakakatuwang bata na labis niyang kinagigiliwan at kamukhang-kamukha niya—ay anak ni Leila, ang kanyang kasalukuyang sekretarya na unti-unting nakakapukaw ng kanyang pansin. Paano kung malaman ni Dylan na si Leila at Oliver ay bahagi ng kanyang nakaraan na matagal na niyang nawala… at ngayon lang unti-unting bumabalik?
9.92.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 87 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
1021.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 790 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
Somebody You Love

Somebody You Love

GabYsaDen20
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila Harry at Reyna dahil mayabang ito at antipatiko. Kapag nakakita naman ng mga magagandang chicks, mabilis pa sa alas-kwatro ang mga mata nito para titigan. Kaya asar talaga siya sa pagmumukha nitong chickboy at manloloko. Pero tinamaan si Reyna sa kasabihan na "The more you hate, the more you love". Ang tunay niyang nararamdaman para kay Harry, kaya umiiwas siya dito. Pero sa katagalan, hinahanap-hanap na nito ang mga pang-aasar ni Harry sa kanya. Ngunit balakid sa kanilang namumuong pagtitinginan si Julliene Cheng, ang spoiled brat na younger sister ni Harry. Hindi niya gusto si Reyna para sa kanyang kapatid, dahil may napipisil na itong iba para sa kanyang kuya Harry, si Ruiz De Vera, ang bagong Restaurant Manager ng resort. Nahuhumaling sandali si Harry kay Ruiz, pero napatunayan niyang si Reyna nga ang kanyang gusto dahil labis s'yang nagseselos ng makita nitong may kasamang ibang lalaki si Reyna. Kaya ipinaglalaban nito ang kanyang pagmamahal para sa kanya. Kung kailan masaya na silang dalawa sa kanilang pag-iibigan, tsaka naman nagparamdam muli ang lalaking minahal noon ni Reyna ng labis. Pero sinaktan lamang siya at iniwan lang basta-basta na parang basura dahil walang silbi sa kanya. Pero hanggang saan sila dadalhin ng kanilang masayang pagsasama, dahil hindi lang si Julliene Cheng ang tutol sa kanilang relasyon. Kundi pati ang dati niyang kasintahan na si Jonel Cornelio. Isang bangungot ang muling pagbabalik nito sa buhay ni Reyna. Ang dahilan kung bakit siya naging matigas ang kanyang puso at ang nagtulak sa kanya para lumayo para lang makalimutan siya. Mananaig pa kaya ang second chances para sa dati nitong kasintahan? O ang bagong pag-ibig nito para kay Harry Cheng, that against all odds? Dahil hindi siya tanggap ng family nito. Ano ang pipiliin ng kanyang puso?
2.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 76 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
Mommy, Mommy! Look! I found Daddy

Mommy, Mommy! Look! I found Daddy

I need to call Draco, so what kung may lakad siya. Kailangan kong mag-rant ngayon. Pero parang kailangan ko lang din pala na magsisi sa ginawa ko, wala naman siyang naitulong sa problema ko. "Bakit ba kasi? Ano kung nagkita kayo, bakit may nararamdaman ka pa ba sa kaniya?" Naririnig ko pa naman siya, pero maingay. Hindi ako makapaniwala na hindi pa man siya nagtatagal na makaalis dito'y nasa club na agad siya? "Hoy, naririnig mo pa ba ako?" tanong ni Draco. "Oo, nariririnig kita. Tsk. Alam mo wala ka namang naitulong sa akin eh." pagmamaktol ko. "Bakit, ano ba sa tingin mo ang maitutulong ko sa 'yo ha? Ano ba, gulpihin ko na ang lalaking 'yan? Saglit lang, babalik ako diyan." "Ay nako! Ewan ko nga sayo riyan, sige na bye na nga lang." Akma ko nang ibaba ang tawag nang may sinabi pa ito. Napabuntong-hininga siya mula sa kabilang linya. "You must use your head, Julie, ikaw lang naman ang makakasagot sa mga gumugulo sa utak mo ngayon. Basta, narito lang ako. Kung ano man ang desisyon mo, pag-iisipan ko kung masusuportahan ko." Ni-hindi na sumagi sa isip ko ang ganitong senaryo. Pero inaamin ko, maypagkakataon na naaalala ko siya, na may chances na gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kinakalaban langtalaga ng utak ko ang puso ko. Pero parang hindi naman na importante 'yon, may kaniya-kaniya na kaming buhay. "Tsk. Bahala na nga," sabi ko pa. Lagpas ten minutes na sa ipinangako kokay Tyler. Babalik na ako't kailangan na naming umuwi. Sobrang dami ng nangyari sa araw ko ngayon. "Ay anak ng!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Paano banaman, nasa likuran ko na si Trevor. Nakatayo lang siya roon, pero napansin kosa kamay niya ang pakete ng yosi na hawak niya.
10395 viewsOngoingIdinagdag sa Library 15 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
SHATTERED HEARTS (tagalog)

SHATTERED HEARTS (tagalog)

"Anak ko ang nakasalalay dito, Jessa, kaya hindi mo kami masisisi kung gumawa man kami ng bagay na kahit alam naming makakasakit para lang madugtungan ang buhay ni Clyde." Mapait siyang ngumiti. Tinignan niya si Xyrius na nakatingin sa kanya sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling kay Giselle. "Gusto kitang saktan, kung puwede nga lang patayin kita ngayon." Dumaan ang gulat ang takot sa mga mata ni Giselle. "Pero hindi ko gagawin dahil baka mamaya buntis ka na pala. Baka nakabuo na pala kayo ng asawa ko. Sayang yung sakit na nararamdaman ko kung mawawala lang yung batang magdudugtong sa buhay ni Clyde." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang manggas ng damit niya. Saka tumayo ng tuwid. Naglakad siya at ng na sa tapat na siya ni Giselle huminto siya. Hinubad niya ang wedding ring niya at iniabot ang kamay nito saka inilagay roon ang wedding ring niya. "Tutal makapal naman ang mukha mo 'wag ka nang mahiya. Sa iyo na rin itong wedding ring ko. Sayong-sayo na si Xyrius..." aniya dito na ikinagulat nito. Saka niya ito nilagpasan at tinungo ang pinto pero hinabol siya ni Xyrius at pinigilan. Malamig ang mga matang nilingon niya ito. "I'm sorry..." umiiyak na anito. "Ayokong mawala si Clyde pero mas ayokong mawala ka sa buhay ko..." humahagulgol na anito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Isa lang puwede mong piliin at pinili mo siya, X. Anong laban ko ro'n e, anak mo 'yon. Dugo at laman mo 'yon..." Marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Hanggang dito na lang ako... hindi ko na kayang magpatuloy na kasama ka. Goodbye, love... be a good father." Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na siya.
5.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 209 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
Mysterious Marriage

Mysterious Marriage

Ang kasal ay dapat na simbolo ng wagas na pag-ibig, ngunit para kina Ethan Blackwood at Ava Morales, ito ay isang selyadong kontrata ng mga nakatagong intensyon. Sa isang lihim na seremonya, nagpalitan sila ng sumpa na walang ibang saksi kundi ang kanilang mga pansariling agenda. Si Ethan, ang makapangyarihang tagapagmana, ay nagpakasal lamang upang takasan ang arranged marriage na pinipilit ng kanyang mga magulang kay Sophia. Sa kabilang banda, si Ava ay pumasok sa buhay ni Ethan dala ang isang madilim na misyon: na tuklasin ang katotohanan sa likod ng misteryosong pagkamatay ng kanyang ama, na pinaniniwalaan nilang may madugong kaugnayan sa pamilyang Blackwood. Sa simula, ang lahat ay purong negosyo at kontrata. Ang dating pagpapanggap ay nauwi sa totoong nararamdaman; nahulog ang loob ni Ethan sa katapangan ni Ava, habang si Ava naman ay nagsimulang malunod sa pagmamahal ng lalaking dapat sana ay kanyang kaaway. Subalit ang kanilang marupok na kaligayahan ay agad niyanig ng mga lihim ng nakaraan. Habang pilit na ipinaglalaban ni Ava ang katarungan, pinili naman ni Ethan na tumayo sa panig ng katotohanan upang iligtas ang kanilang relasyon, kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbagsak ng sarili niyang pamilya. Hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap. Ang ina ni Ethan na si Victoria ay naglunsad ng isang maruming plano upang sirain ang dangal ni Ava. Ginamit niya ang pinsan ni Ethan na si Lucas upang palabasin na may lihim na relasyon ang dalawa. Kasabwat ang selosang si Sophia, kumukuha sila ng mga huwad na ebidensya upang pilitin ang isang masakit na diborsyo sa pagitan ng mag-asawa. Ngayong nakabaon na sila sa rurok ng traydor at kasinungalingan, paano haharapin ni Ethan at Ava ang katotohanang bawat isa sa kanila ay biktima ng sarili nilang mga lihim? Magpapatuloy pa kaya ang pinaglalaban na relasyon?
10537 viewsOngoingIdinagdag sa Library 20 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
Back to Me

Back to Me

Tiwness96
PAG-IBIG Animo'y naubusan ng dugo sa putla si Mia nang ipakilala ng mag-asawang Fuchs si Phineas. Ang estrangherong kaniyang sinuntok at tinadyakan thirty minutes ago sa loob ng airport. Hindi naging maganda ang nagdaang araw ni Mia sa mansiyon simula nang dumating si Phineas. Inis na inis siya sa ginawa nitong pagkuha ng litrato habang magkatabi silang natutulog. Nawindang pa siya nang bigla nalang nagbakasyon si Miss Ivy at ibinilin nito sa kaniyang gumawa ng paraan para hindi umuwi ng Germany ang kaniyang mainiping unico hijo. Hindi alam ni Mia kung ano ang gagawin kay Phineas na palagi nalang siyang iniinis at hindi siya sineseryoso. Sabi pa nito’y she effortlessly beguiled him with her cute curves on her lips na mas lalo pa niyang ikina bwesit ang tono nitong sarkastiko. Sa pagdaan ng mga araw ay nagamay din ni Mia kung paano pakisamahan si Phineas. Hindi niya akalaing aabot sa puntong hindi niya naasahan ang pusong pigilan ang nararamdaman at naisuko ang lahat sa lalaki. Akala ni Mia ay maayos ang lahat hanggang sa isang umaga’y naabutan niya si Phineas na nagmimilagro sa sariling kuwarto kasama ang isang babae. TRAHEDYA Pinatay ni Mia ang kaniyang sarili sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sinabayan niya ang isang trahedya na kinasangkutan niya at ng kaniyang pamilya. Upang paghandaan ang paghihiganti sa walang awang umubos ng buhay ng kaniyang pamilya ay umalis si Mia ng San Martin dala ang nakakakilabot na karanasan at ang sakit ng pag-ibig na kaniyang labis na pinagsisisihan. Paano kung sa pagkalipas ng tatlong taon ay dalahin si Mia ng kaniyang paghihiganti pabalik sa San Martin at makitang muli si Phineas? Mapanindigan kaya niya ang binuong bagong mukha at pagkatao? O tuluyan ng susuko ang kaniyang puso?
1.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 64 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
The CEO's Fling

The CEO's Fling

LalaRia
Dahil sa kahirapan at pang aalipusta ng abusadong tiyahin na umampon kay Nicole nang mamatay sa aksidente ang mga magulang ay pinilit niyang maka pag tapos ng pag aaral sa kursong aeronautical engineering. Dahil na rin marahil sa kaniyang sipag at tiyaga at dahil na rin sa angking talino ay isa siya sa mga mapalad na mag aaral na naka pasok sa study now pay later program ng isang malaking aircraft company. Itinuring ni Nicole na isang malaking oportunidad ang mabigyan siya ng pagkakataon na maka pag tapos ng pag aaral kahit pa nga ma higpit na tinutulan iyon ng kaniyang tiyang Norma na siyang tinutuluyan niya mula pa noong walong taong gulang pa lamang siya. Ngunit dahil na rin siguro sa kagustuhan niyang maka alis sa puder ng mapang abusong tiyahin at sa mapanakit na mga anak nito ay hindi niya pinakingan ang pag tutol ng mga kamag anak na mag aral siya, sa halip ay pinag buti niya hangang maka kuha siya ng magandang trabaho sa kumpaniya na nag paaral mismo sakaniya matapos maka pag tapos sa kolehiyo at maka kuha ng pinaka mataas na parangal sa uniberidad bilang summa cum laude sa kanilang batch. Buong akala ni Nicole ay magiging maayos na ang lahat lalo pa at nag karoon na rin ng bunga ang ilang taon niyang pag titiis ngunit hindi naging madali. Na in love si Nicole sa kaniyang masungit na boss na hindi niya maintindihan ang tunay na nararamdaman para sakaniya, nagkaroon sila ng hindi maayos na relasyon siya ay in love ang kaniyang boss naman ay ginawa lamang siyang fling nito. Noong una ay nagagawa niya pang pigilan ang pag ka hulog sa CEO ng kumpaniyang pinapasukan ngunit nang lumaon ay naging napaka hirap para kay Nicole, paano ba naman niyang magagawang mag paka civil sa harap ng kaniyang boss gayong bukod sa may nangyayari sa kanila sa loob at labas ng opisina ay mahal niya rin ang CEO. Ang kaniyang CEO.
109.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 243 Beses bilang nararamdaman
Read
+Library
PREV
1
...
293031323334
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status