Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo
Hindi na nagdalawang-isip, mabilis siyang lumapit at isang malakas na suntok ang ibinigay sa mukha ng lalaking humipo kay Elissa.
Bugh!
Napasuray ang lalaki, umagos ang dugo mula sa kaniyang ilong.
“Binigyan ko na kayo ng babala,” mariing sambit ni Nico, matalim ang titig parang agila.
Mabilis namang umatake ang dalawa pa, ngunit mas mabilis si Nico. Nakailag siya sa mga suntok at agad na bumawi, tinamaan ang panga at sikmura ng matangkad na lalaki.