Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
10425 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One Night Stand with My Boss

One Night Stand with My Boss

⚠WARNING⚠ [THIS STORY CONTAIN MATURE SCENE. READ AT YOUR OWN RISK] [The Names, Characters, Businesses, Places and Events are the Author's Imagination. Any Resemblance to Actual Events, Places or Person is Coincidental.] Umiikot na ang paningin ni Aerah, dahil sa sobrang kalasingan. Gusto na niyang umuwi. Pasuray-suray siyang naglalakad sa gitna nang mga taong nagsasayawan hanggan sa may nabangga siyang lalaki. Her eyes settled on the gorgeous man in front of her. She can feel her world tilting. But she keep on staring at his handsome face. Tumingin siya sa labi nito like it's inviting her to kiss him at nakaramdam siya na parang nag iinit ang kanyang katawa. Nawala ang inhibisyon niya sa katawa dahil sa epekto nang Alak na nainom at walang sere-seremonyang sinakop nang mainit na halik ang labi nito. Dahil sa isang halik ay nauwi sa mainit na pagtatalik.... Naging maayos ang lahat sa mga nagdaang araw, until she meet her Boss....
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One Night With a Mafia Heir

One Night With a Mafia Heir

Lorewrights
Kloe Eleanor Echavez, a graduating student who lives a normal life. However, because of her drunkenness while at the bar, she suddenly went with someone she didn't know and what she never expected to happen in her whole life happened. She got pregnant by a stranger during their one night stand. And they only did it because of the influence of alcohol and lack of self-control. On the other hand, she didn't know that the one who got her pregnant was an heir. The dashing Mafia heir of the Castellanos, Kael Hendric Castellano. Dumating kaya ang panahon na makikilala niya ang taong iyon? Hahanapin nya ba ang ama ng kanyang dinadala? o Ipalaglag nya ang pagkakamaling kanilang nagawa? Paano namn pag nagkita sila? Agad nya bang sasabihin kay Kael na may nabuo sa isang gabing pagsasama nila? At paano kung malaman ni Khloe ang totoong pagkatao ni Kael? Itutuloy nya ang pagpapaalam na may nagbunga? From Khloe Eleanor's normal life it immediately changed to an ironic life that she never thought she would face.
Romance
81.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Spending the night of my Boss

Spending the night of my Boss

Wind lyn
Alyssa went to the resort for her bestfriend's party. Being at the party is inevitable to get drunk. Ang gabi na iyon ay isinuko niya ang kanyang pagkababae sa isang lalaki. A month ago she found out that she was pregnant and didn't expect them to meet again. The man who had one night was a CEO kilala siya bilang Aiden Monteverde. Handsome, Tall, But serious to the woman he loved. Ayaw man ni Alyssa ay kailangan niyang magtrabaho bilang sekretarya ni Aiden. Will she be honest with him? Sasabihin ba niya isang buwan ang nakalipas ng gabi na iyon ay nagbunga ang kanilang ginawa? Ano ang mga dapat paghandaan ni Alyssa?
Romance
101.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A Night With the Wrong Man

A Night With the Wrong Man

Loreigna Miguel, anak ng isang business tycoon. Laki sa luho at nakukuha lagi ang gusto—well except sa puso ng lalaking nagugustuhan niya. Mula mag-dalaga ay naging pantasya niya ang barkada ng kanyang kuya na si Dr. Lance Valdez, isang veterinary. Kaya kahit wala siyang hilig sa pet ay kumuha siya ng alagang aso, para may dahilan siya sa madalas na pagpunta sa clinic ni Lance. Ngunit kahit nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin hindi talaga tinatablan ito sa kanya. Batang kapatid lamang ang tingin sa kanya ng binata. Kung kaya naman sa labis na pagkagusto dito ay gagawa siya ng desperadang hakbang upang maangkin ang lalake, Pipikutin niya ito! Plinano niya ng maayos ang gagawin niya at kung kailan feeling niya ay successful ang ginawa-nagkamhali siya. Dahil sa halip na ang lalakeng pantasya ang makikita kinaumagahan. Si Bjorn, ang lalakeng labis na kinakainisan niya ang bumungad sa kanyang tabi. She made the biggest mistake in her life. She spend the night with the wrong man.
Romance
1087.7K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (21)
Baca
Tambahkan
madhie
nice story, from puppy love to enemy to one true love. sobrang green flag ni Bjorn kasi kahit sobrang topakin ni Loreigna still mahal na mahal sya thank you Ms.A sa magandang story waiting for King & lance story.. now waiting sa update sa love story nina Ally at Roger na mga ex ni Ardent & Beryl
Margie Roylo
ayy ang ganda nito Ma'am sana po may update na agad nakita ko lng po ito kagabi then inunlock ko yong chapters hanggang natapos ko yong chapter 15 so excited for the next update favorite ko na tema yong love hate relationship Ma'am at fan mo po ako doon sa The Billionaire's Annoying Assistant......️...
Baca Semua Ulasan
That First Night With Mr. CEO

That First Night With Mr. CEO

Girl friday sa umaga, estudyante sa gabi. Ganyan ang ikot ng buhay ni Samantha Bautista araw-araw. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang lalong matustusan ang pangangailangan nila ng nanay niyang maysakit. Wala sa mga priority niya ang pag-ibig subalit may secret crush siya sa bagong CEO ng kanilang kumpanya na si Aaron Miguel Sandejas. Isang gabing lasing si Aaron, sadyang nagtagpo ang kanilang landas at nalagay sila sa isang sitwasyon na nagpangyari upang kusa niyang isuko ang sarili sa lalaki. Pangyayari na nagresulta sa kanyang pagdadalang-tao. Napilitan si Samantha na itago ang kanyang kalagayan. Kasabay niyon ang kanyang pagbabagong-buhay nang matuklasan niya ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Apat na taon ang nakalipas, muling nagtagpo ang landas nila ni Aaron. This time, hindi na niya ito boss, kundi isa na sa mga kliyente sa events planning company na pag-aari niya. Ikakasal na ang lalaki at siya ang events planner para sa engagement party at nalalapit na kasal nito. Ayos lang sana siya, kaya niyang magpanggap na wala nang epekto sa kanya ang presensiya nito. Kaso, kahit na anong tanggi niya, panay ang tanong nito sa kanya ng, “Have we met before?” Aaminin ba si Samantha? O maninindigan siya na hindi niya ito kilala at hindi bunga ang isang gabing pinagsaluhan nila na hanggang ngayon, tila hindi nito maalala.
Romance
9.6425.6K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (28)
Baca
Tambahkan
Jenny Javier
Starting today, maari na po ninyo mabasa ang story nina Gael at Charlie sa librong ito. Pagkatapos ko pong idagdag ang Loving The Lost Billionaire dito, isusunod ko na po ang story ni Caleb. Salamat po sa patuloy ninyong suporta.
Cheryle Lobrino
hi po.... kakabasa ko lang po ng novel nio at sobrang nagustuhan ko po... ask ko lng po kung series po ba ito? kc po nabanggit nio sa last na susunod po ung 2nd gen... gusto ko po sana mabasa ung mga nauna pi d2 kung series po eti.
Baca Semua Ulasan
One-Night Stand with the CEO

One-Night Stand with the CEO

Matapos ang limang taong pagmamahal kay Liam, nadiskubre ni Ava ang pinakamalupit na pagtataksil—ang pakikipagrelasyon ng kanyang nobyo sa best friend nito. Wasak at pinahiya, pinili niyang magsimula muli. Sa gitna ng sakit, nagpakalunod siya sa alak at nauwi sa isang gabing puno ng init at paglimot kasama ang isang estrangherong ubod ng kisig. Kinaumagahan, iniwan niya ito, naniniwalang isa lamang iyong pagkakamali na dapat kalimutan, gaya ng kanyang nakaraan. Ngunit tila naglaro ang tadhana. Sa unang araw niya sa opisina, handa nang bumangon at magsimula, nagulat siya nang makita kung sino ang bago niyang CEO—si Kaiden, ang lalaking nakasama niya sa gabing iyon. Siya ay makapangyarihan, malamig, at bawal na bawal na mahalin. Ngunit hindi rin malimutan ni Kaiden ang babaeng minsan lang niyang nakasama. Determinado siyang hindi iyon manatiling isang alaala lang, at ngayon ay nais niya ng higit pa. Habang magkasama silang nagtatrabaho, nagiging mapanganib ang laro ng tukso at pagnanasa. Bawat sulyap, bawat lihim na damdamin ay nagbabantang mabunyag ang katotohanang pilit itinatago ni Ava. Sapagkat higit pa sa gabing iyon ang kanyang lihim, nasa sinapupunan na niya ang bunga ng kanilang kapusukan. Nahaharap siya ngayon sa pagpili: patuloy bang tatakasan ang nakaraan, o haharapin ang isang hinaharap na maaaring magpabagsak sa kanya… o kaya’y magliligtas.
Romance
101.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1088.3K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (26)
Baca
Tambahkan
rjpasiano13
Kapanapanabik ang bawat chapter Ms. A, ipon lang ako ng coins para mabasa ko pa mga next chapter. Please continue nyo po, sana matapos nyo to at makagawa pa kayo ng maraming story. Nakakakilig talaga. God bless you author.
Lyn Gambito
mahal lan kc ang bayad sa coins ky hind namin masyado binabasa ang manga story don kmi sa mura lan ang coins kung mura lan sana ang bawat chapter u 5 peso bka marami mag basa sa story u mahal 26 bawat chapter u talagan kunti lan
Baca Semua Ulasan
Hot night with a Mafia Boss

Hot night with a Mafia Boss

Makakatanggap si Ryc ng isang email na nagsasabing siya ay anak ‘daw ito. Iisang tao lang naman ang hinahanap niya—si Isabella o Ella. Ang babaeng naka-one-night-stand niya at naglaho nalang na parang bula. “Good evening, Daddy. Ako po si Issa, anak po ako ni Isabella. Hindi ko po alam kung kilala niyo si mommy pero nasa panganib po ang buhay niya. Kinuha po siya ng mga armadong lalaki! Ang sabi ni mommy hindi pa siyang handa na ipakilala ka pero dahil sa mabilis na pangyayari ay itinago niya ako at sinabing hanapin ka. Takot na takot na po ako daddy, nasaan ka na po?”
Romance
10133.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A Night Owned by the CEO

A Night Owned by the CEO

Isang gabi lang ang naging kapalit ng lahat para kay Luna Solace. Bilang isang masipag na empleyada, ginagawa niya ang lahat para sa kanyang inang may sakit—kahit pa ubusin niya ang sarili sa overtime at pagod. Ngunit sa isang gabing hindi niya inaasahan, pinagtagpo siya ng pagkakataon at kahinaan sa loob ng opisina ng CEO na si Rafael Blackwell. Pagod din si Rafael—sa pamilyang pilit siyang pinapakasal, sa responsibilidad na hindi niya matakasan. At sa gitna ng alak at lungkot, may nangyari sa kanilang dalawa na hindi na mababawi. Kinabukasan, inalok niya si Luna ng pera kapalit ng katahimikan. At tinanggap iyon ni Luna—hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan niya para sa kanyang ina. Akala niya, matatapos doon ang lahat. Ngunit para kay Rafael, ang isang gabi ay hindi sapat. Dahil habang pilit siyang iniiwasan ni Luna, mas lalo naman niya itong gustong mapasakanya. At sa mundong kontrolado ng kapangyarihan at obligasyon—paano kung ang pinakamalaking pagkakamali nila ang siya ring maging pinakamapanganib nilang pagnanasa?
Romance
10292 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1011121314
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status