May Contractor Ninong
Ninong
Inisip ko bakit ko lagi kong naiisip si Ninong at minsan nababanggit ko, baka may ibig sabihin yon.
"Lora, halika ka na dito mag-almusal na tayo."
Dinig kong sigaw ng mama ni Greg, mabait pareho ang magulang niya kaya naman hindi ako nahirapan pakisamahan sila. Dalawa lang na magkapatid si Greg at ang bunso nila na babae si Anya, ang hanapbuhay rito ni Greg ay mangingisda dahil bumili siya ng bangkang 'de motor.