분야별
상태 업데이트 중
모두진행 중완성
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
A Bad Girl’s Love

A Bad Girl’s Love

Angel
Lumaki sa hindi totoo niyang magulang si Sia. Napagtanto niya ito ng maging bente anyos siya. Hindi pa siya lubos na nilalamon ng galit niya nung mga panahong iyon. Kaso nga lang, isang malaking pagbabago na ang naganap ng mag-loko ang boyfriend niya sa kanya. Inakala niyang lahat ng taong naka-paligid sa kanya ay niloloko lamang siya. Hindi na siya gaanong nagtiwala sa mga taong nakaka-salamuha niya. Sumali siya sa fraternity, naging alcoholic siya at madalas na nakikipag-basag ulo.Isang lalaki ang hindi inaasahan ng lahat. Katulad rin siya ni Sia na mahilig makipag basag-ulo ngunit hindi sa paraan na ginagawa ni Sia. Nakikipag basag-ulo siya para sa atensyon. Pinaglalaruan niya ang mga damdamin ng babae. In short, he’s a playboy. Ng lumipat siya sa Unibersidad ng pinapasukan rin ni Sia, nagbago na lamang bigla ang ugali niya. Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita nila ni Sia.Maraming pagsubok ang haharapin nilang dalawa. Maraming mag sa-sakripisyo ng buhay para lang sa kanilang dalawa. What would happen in the end? Sila nga ba ang magkakasama o sila lang rin ang mag ta-trayduran?
104.1K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.2K 조회수완성
리뷰 보기 (28)
읽기
서재에 추가
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
전체 리뷰 보기
Love Me One More Time

Love Me One More Time

SweetyRai88
Walang choice si Darine kundi tumakas. Dahil sa ipapakasal siya ng kanyang Lolo sa apo ng kanyang matalik na kaibigan. Handa niyang iwan ang lahat, pagod na rin siya lagi siyang kinokontrol ng kanyang Lolo. Ang mahalaga ay hindi siya makasal sa taong hindi niya kilala. Jasper Guillermo, 34 years old. Business Tycoon, wala sa kanyang vocabulary na mag-asawa mula ng niloko siya ng unang babaeng minahal. Kung hindi niya masunod ang kagustuhan ng kanyang Lolo ay mawawala sa kanya ang kumpanya na inaalagaan niya. Dahil labag kay Jasper ang kagustuhan ng kanyang magulang kaya gumawa siya ng sariling paraan. Hindi siya papayag kung ano gusto ng kanyang Lolo ay masusunod. Yes mahalaga sa kanya ang kumpanya pero hindi siya papayag pagdating sa sarili niyang buhay ay panghimasukan ng kanyang magulang lalo na ang kanyang Lolo. Pagkalipas ng isang linggo ay muling nagtagpo ang landas ni Jasper at Darine. Naglakas loob si Darine na kausapin ang binata kung pwede siya nitong tulungan. Hindi naman nagddalawang isip ang binata tinulungan niya si Darine. "Be my girlfriend sa harapan ng mga magulang ko," sabi niya kay Darine. Paano kung nasa kay Darine ang katangian na taglay na hinahanap ni Jasper sa babae? Kaya bang panindigan ni Jasper ang lumabas sa bibig niya na hindi niya kayang lumagay sa tahimik? Isip o puso ba ang susundin ni Jasper? Paano kung ang darating ang isang araw na ang lalaking pinakamamahal ni Darine ay bigla siya nitong hindi maalala. Kung sino ba si Darine sa buhay niya? Matatanggap ba ni Darine ang biglang pagbabago ni Jasper sa kanya? Lalo na ibang-iba na sa dati ang pakikitungo ni Jasper sa kanya.
Romance
6.44.3K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Mr. Hottie Doc, Patusok!

Mr. Hottie Doc, Patusok!

“Please… kahit ano gagawin ko. Iligtas mo lang siya. Pagsisilbihan kita kung gusto mo. Itusok mo sa akin ang kahit ano.” Pakiusap ni Aurelia sa lalaking nakasuot ng doctor coat na ngayo’y nakatayo sa kaniyang harapan. “Why would I do that, honey? We’re not even in the hospital,” Dahang-dahang lumapit si Evander kay Aurelia at saka ngumisi, “Iba ang itutusok ko sayo. At sisiguraduhin kong hindi sakit ang mararamdaman mo… kundi sarap.” Ipinangako ni Aurelia Valdez na ang isang gabing kapusukan kasama ang isang hottie na doctor ay kaniya nang kakalimutan. Wala na sa isip niya ang magmahal matapos siyang lokohin ng kaniyang boyfriend kasama ang kaniyang itinuring na kaibigan. Ngunit hindi niya inaasahang makikita niya ulit si Evander Dela Vega. Naalala niya ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila at kung paano niya isinuko ang sarili sa lalaki. Ngayon ay si Evan pala ang doctor ng kaniyang may sakit na ina at ang natatanging pag-asa para gumaling ito. Pero maililigtas rin ba ni Aurelia ang puso niya o hahayaan niyang tuluyan siyang lamunin ng mapanganib na tukso ni Evander Dela Vega?
Romance
546 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Married By My CEO Enemy

Married By My CEO Enemy

Arielle never dreamed of walking down the aisle with a man she despised. Pero dahil sa matinding business feud between her family’s small company at ang empire ni Leandro Vergara, napilitan siyang pumasok sa isang contract marriage. Leandro Vergara, ang cold, arrogant, ruthless CEO na walang pakialam kung sino ang masaktan, basta siya ang panalo. Para sa kanya, Arielle is nothing but a pawn. Para kay Arielle, Leandro is the last man she’d ever love. Kaya sa mismong kasal pa lang nila, nagsimula na agad ang awayan, mga brutal banats sa pagitan nila at walang tigil na banggaan ng pride. Pero habang magkasama sila sa isang bubong, unti-unting nakikita ni Arielle ang mga bitak sa pader ni Leandro. At lalong nagiging komplikado nang bumalik sa buhay ni Arielle ang kanyang best friend na si Marcus, safe, steady, at matagal nang may lihim na pagmamahal sa kanya. Ngayon, kailangan niyang pumili: ang comfort ng is ang pagmamahal na matagal nang nandiyan, o ang mapusok na pag-ibig na unti-unting winawasak ang matigas niya puso para kay Leandro. Sa isang kasal na nagsimula sa pwersahan, possible bang matalo ang puso sa sariling laban nito?
Romance
591 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)

The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)

New title: VIP MARRIAGE 1: FABIAN FORBES Dahil sa nag-viral na picture ni Jasmine ay nakatanggap siya ng offer mula sa guwapong CEO na si Fabian Forbes ng Beauty Magazine bilang exclusive model. Akala niya ay sunod-sunod na ang suwerte nang bigla na lang naaksidente ang ama. Mahirap lang si Jasmine at kulang pa ang kita niya sa maliit niyang karinderya para pambayad sa ospital. Hanggang sa nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa VIP Marriage, at napabilang siya sa entry level na may signing bonus na isang milyong piso. Ang gagawin niya lang ay makipag-date sa makaka-match niya. Jasmine accepted the offer. Nakipag-date siya sa isang bilyonaryong lalaki pero nang tanggalin na ang maskarang suot ng ka-date niya ay laking gulat niya na lang makita ang mukha ni Fabian. Tila bang nahulog na ang loob nila sa isa’t isa. But, Fabian secretly fell in love with Jasminen because he can’t get over his past relationship. Kamukha kasi ni Jasmine ang namatay niyang girlfriend. Buburahin na lang ba ni Jasmine ang nararamdaman niya dito? O hahayaan na lang dahil mahal niya ito?
Romance
101.9K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
BACHELOR SERIES 1: STRIPPER

BACHELOR SERIES 1: STRIPPER

|MATURE CONTENT| R-18 Dahil sa estado ng buhay nilang dalawa ay pinaghiwalay sila. Mahirap para sa kay Astrid na layuan ang taong pinakamamahal niya ngunit wala siyang nagawa dahil na rin sa kagagawan ng ina ni Davin. Paano kung isang araw ay mag-krus muli ang landas nilang dalawa? Mabuo pa kaya ang nawasak nilang pagmamahalan lalo pa at may anak silang dalawa o magiging mitya lamang ito ng muli niyang kabiguan? Matanggap kaya siya nito sa kabila ng trabaho niya bilang isang STRIPPER o kamumuhian siya at pandidirihan dahil sa trabaho niya?
Romance
108.1K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Carrying the Billionaire's Heir

Carrying the Billionaire's Heir

Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
Romance
1029.5K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Rejecting Her Wealthy Ex-Husband

Rejecting Her Wealthy Ex-Husband

Kailan nga ba naging mali ang magmahal? Ito ang paulit-ulit na tinatanong ni Cassandra sa sarili mula nang minahal niya si Renzell Lee.  Mali nga ba ang magmahal?  O, Mali lang siya ng minahal?  “After 3 years of marriage… you are free.”  Mapakla ngumiti si Cassandra habang pinagmamasdan ang hawak na divorce paper.  Yes, she's free from the paper, but her heart still beats for him. 
Romance
102.7K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Sweet Disposition

Sweet Disposition

risingservant
Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa? Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta? Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?
Romance
104.3K 조회수완성
읽기
서재에 추가
이전
1
...
3839404142
...
50
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status