Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
Romance
9.519.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rain That Reminds of You

The Rain That Reminds of You

Ukiyoto Publishing
Noong unang beses na nakita ni Euphie ang lalaki, naisip niya: Love at first sight ba iyon? O isang nakatalagang soul mate? Pag-uwi niya, nakita niya ang isang lumang larawan ng isang matangkad at guwapong lalaki. Naglakbay siya pabalik sa panahon sa larawan, nakilala ang lalaking iyon, at natagpuan ang sagot sa tanong na iyon. Inisip niya ang lahat, ang kanyang kasintahan.
2.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

KweenMheng12
Ang spoiled bratt na kababata ni Clyde ay laging sakit ng ulo ng kanyang Daddy, inatasan siya ng ama ng dalaga na maging personal bodyguard kapalit ng pagpapa-aral o maging scholar ng kumpanya nito. Childhood bestfriends na ang dalawa tinuturing na na kapatid ni Clyde si Chloe. Laging nasa malayo at nakamasid lamang sa malayo ang binata para bantayan si Chloe. Mula ng mamatay ang ina ng dalaga ay lalong lumala ang pagiging party goer, kahit sang club nag-iinom para lang makuha atteention ng daddy nito. Nauunawaan naman ni Clyde ang sitwasyon ni Chloe gusto lamang nito mabigyan ng halaga at oras. Tanging siya lang ang kasama ng dalaga sa lahat ng oras. Pero paano kung isang araw ay malaman nila ang isng sikreto na nagkapalit sila ng tadhana dahil sa isang pagkkamali. Si Clyde ang totoong anak ni Don Robles,dahil sa desperadang kinilalang ina ni Clyde. Pinagpalit silang dalawa ni Chloe para maging maganda ang buhay ng kanyang anak na babae,dahil iniwan ito ng kanyang kinakasama. Sa sobrang galit ng Don ay pinalayas silang mag-ina ni Chloe. Nanirahan sila Chloe sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa kila Clyde at Don Robles dahil sa sobrang kahihiyan. Makalipas ang isnag taon kinuha si Chloe para maging isang modelo. Ang dating spoiled bratt, pasaway at kinaiinisan ng lahat ay natutong magpakumbaba, mapagpasensiya at natutong makuntento sa simpleng buhay. Sa muling pagttagpo ng kanilang landas ay isang bilyonaryo at CEO na si Clyde dahil ipinamana na sa kanya ang negosyo ng mga robles. Inimbitahan siya na maging modelo ng alak, kaya sexy ang theme ng magiging trabaho ni Chloe. At sa hindi niya inaasahan ay darating si Clyde para panoorin ang kanyang shoot. Sobra siyang nanliit sa kanyang sarili dahil halos ibilad na niya ang kanyang katawan.
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10462 viewsOngoing
Read
Add to library
One-Night Stand with the CEO

One-Night Stand with the CEO

Matapos ang limang taong pagmamahal kay Liam, nadiskubre ni Ava ang pinakamalupit na pagtataksil—ang pakikipagrelasyon ng kanyang nobyo sa best friend nito. Wasak at pinahiya, pinili niyang magsimula muli. Sa gitna ng sakit, nagpakalunod siya sa alak at nauwi sa isang gabing puno ng init at paglimot kasama ang isang estrangherong ubod ng kisig. Kinaumagahan, iniwan niya ito, naniniwalang isa lamang iyong pagkakamali na dapat kalimutan, gaya ng kanyang nakaraan. Ngunit tila naglaro ang tadhana. Sa unang araw niya sa opisina, handa nang bumangon at magsimula, nagulat siya nang makita kung sino ang bago niyang CEO—si Kaiden, ang lalaking nakasama niya sa gabing iyon. Siya ay makapangyarihan, malamig, at bawal na bawal na mahalin. Ngunit hindi rin malimutan ni Kaiden ang babaeng minsan lang niyang nakasama. Determinado siyang hindi iyon manatiling isang alaala lang, at ngayon ay nais niya ng higit pa. Habang magkasama silang nagtatrabaho, nagiging mapanganib ang laro ng tukso at pagnanasa. Bawat sulyap, bawat lihim na damdamin ay nagbabantang mabunyag ang katotohanang pilit itinatago ni Ava. Sapagkat higit pa sa gabing iyon ang kanyang lihim, nasa sinapupunan na niya ang bunga ng kanilang kapusukan. Nahaharap siya ngayon sa pagpili: patuloy bang tatakasan ang nakaraan, o haharapin ang isang hinaharap na maaaring magpabagsak sa kanya… o kaya’y magliligtas.
Romance
10653 viewsCompleted
Read
Add to library
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.2K viewsCompleted
Show Reviews (28)
Read
Add to library
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Read All Reviews
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
Romance
1016.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

Ang akala mo mala-fairytale ang kanyang buhay kasama ang lalaki na pinakasalan niya ngunit nagkamali siya na matuklasan ni Tiffany Gonzales ang pagtataksil ng kanyang asawa kaya hiniling nito ang kalayaan. Pagkatapos malagdaan ang divorce paper ay focus lamang si Tiffany sa kanyang anak. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkasakit ang kanyang anak kaya nakilala niya si Gabiano Silverano. Kapalit ng tulong ng binata ay kailangan niyang magpakasal sa kanya. Pumayag si Tiffany sa alok ng lalaki para sa kanyang anak. Ngunit may natuklasan siya sa pagkatao ni Gabiano. Ano kaya ang magiging kapalaran ng mag-ina sa kamay ng pamilyang Silverano? Isa kayang mala-fairytale o magulong mundo?
Romance
10411 viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sa batang puso ni Nikka ay minahal na niya ang kanyang senyorito ngunit ang kanilang katayuan sa buhay ay hadlang sa sumisibol niyang damdamin. Sa patagong paraan ay inalagaan niya ang pagtangi sa amo niyang hindi niya malaman kung pinaglalaruan ba siya o may pagtingin din sa kanya. Ang lahat ng pangarap at pagasa ni Nikka ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan at isang katotohanang kailangan niyang harapin. Sa kanyang pagbabalik ng Hacienda makalipas ang ilang taon, muling sumariwa ang pait at sugat ng una niyang pagibig at pagkabigo. Ngunit muli rin naman nabuhay ang apoy ng pagmamahal niya ng muling makita ang amo at kababatang hindi niya malaman kung bakit namumuhi na sa kanya ngayon.
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Beautiful Mistake

The Beautiful Mistake

Rina
Is there a beautiful mistake? Para kay Althea Olivan ang sagot ay oo at ito ay nang mabiyayaan siya ng supling mula sa isang gabing pagkakamali sa pagitan nila ni Pio. Subalit, maituturing n’ya pa din ba’ng magandang pagkakamali ito kung si Pio, na kilala niyang simpleng binata mula sa Isla Irigayo, ay si Calvin Montejo na CEO at nakatakda nang ikasal sa buntis nitong nobya? Higit sa lahat, paano n’ya haharapin ang isang madilim na nakaraan na matagal nang nag-uugnay sa kanila ni Calvin? Handa n’ya ba’ng isakripisyo ang sakit na nadarama alang-alang sa anak o aalis siya upang makatakas sa bangungot ng nakaraan? Will it be a beautiful mistake or a forbidden sin?
Romance
104.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status