Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Day In Las Casas ( FILIPINO)

A Day In Las Casas ( FILIPINO)

Maecici
Si Ruby ay isang babaeng nagmula sa 21'st Century na isang araw ay nagising nalang sa taong 1864 sa katauhan ni Luna, ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayang pamilya sa Candaba,Pampanga sa panahon na iyon. Nung una, akala niya ay nasa ibang mundo lamang siya. Naniniwala kasi siyang 'Parallel World" exist. Ngunit nalaman niyang hindi siya napunta sa ibang mundo sa halip ay nagbalik lamang siya sa nakaraan niyang buhay upang baguhin ang malasimuot nitong kasaysayan. Magagawa niya bang baguhin ito? O mabibigyang katotohanan ang sinasabi nilang 'history repeats itself' ?
93.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish)

Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish)

Nanggaling sa mayamang pamilya si Chelsea. Siya na ang namamahala ng kanilang kompanya bilang CEO. Nainlove siya sa gulang na twenty years old sa kaklase niyang si Mateo. Naghiwalay din sila pagkalipas ng limang taon sa kadahilanang ng taksil si Mateo, nalaman niyang may katalik si Mateo na ibang babae. Dahil dun nagfocus at ginugol niya ang panahon niya sa pagtatrabaho sa kompanya nila. Naging karamay niya si Amalia, ang matalik na kaibigan at kaklase niya noong nasa kolehiyo pa sila at hanggang ngayon. Sa isang restaurant ay may makilala sila na isang gwapong lalaki, matangkad at matipuno na pinagpantasyahan naman nang kaibigan niyang si Amalia. Hindi niya pinapansin ang lalaki noong una dahil wala siyang interes dito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa Isla may makilala naman siyang mayaman, galante at may itsurang lalaki at napag alaman niyang siya ang step son nang may-ari ng resort. Sino kaya ang lalaking bibihag sa kanyang puso pagkatapos nang pinagdaanang sakit sa ex-boyfriend niya? Ano ang katauhan ng mga lalaking nakilala niya sa restaurant at sa resort? May madidiskubre pa kaya siyang lihim sa pagkatao ng mga lalaking nakilala niya? Ano ang magiging reaksiyon ni Chelsea sa lihim ng lalaking nakilala niya sa Isla? Ano nga ba ang lihim sa nakaraan ng lalaking nakilala niya sa restaurant?
Romance
107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
Romance
161 viewsOngoing
Read
Add to library
The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

Sa mundo ng mga taong gahaman sa salapi at kayaman, Iniwan ni Miguel ang magulo at marangyang mundo para takasan ang kapalarang itinatakda sa kanya ng kapalaran. Sa kanyang paglayo ay nahanap niya ang babaeng kukumpleto sa hungkad niyang pakiramdam ngunit ang pagmamahal at pagibig nila ay hahadlangan ng mga ganid sa salapi at kapangyarihan at ng masalimuot na katotohanan bubulaga sa kanilang buhay. Si Miguel ang unang tampok sa serye ng mga Del Valle
Romance
108.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Foolish Heart

Foolish Heart

Latte
Paano ba dapat aminin sa isang kaibigan na mahal mo siya? O paano mo sasabihin na higit pa sa bilang magkaibigan ang pagtingin mo para sa kaniya? "The more you hate, the more you love." Ito ang naging motto sa buhay pag-ibig ni Aziz Dimitri Tyson, matapos niyang makilala ang babaeng kinaiinisan niya sa lahat. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ito rin pala ang magyayanig sa tahimik niyang mundo. Sasha Edmonia, ang pangalan ng babaeng bumihag sa torpe nitong puso. Bagamat na love at first sight siya rito ay pinili na lamang niya na itago ito sa sarili at maghintay ng tamang pagkakataon upang maipagtapat ito sa kaniya. Naging kampante ito sa kaniyang sarili na hindi nalalamang marami na siyang nasasayang na oportunidad upang mas lalo pang mapalapit sa kaniya. He missed the right timing. Dahil sa kakahintay niya ng right time ay may iba ng nauna sa kaniya. Magagawa pa kaya ni Aziz Dimitri na maipagtapat sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman? O magpapaubaya na lang ba siya para sa iba?
Romance
898 viewsOngoing
Read
Add to library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Short Story · Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
ACADEMIC AFFAIRS [SPG]

ACADEMIC AFFAIRS [SPG]

Tahimik. Matalino. Misteryosa. Si Xyrel Rivera—ang bagong transferee sa San Rafael High—ay hindi katulad ng iba. Habang ang buong klase ay abala sa mga ingay ng kabataan, siya’y laging nakaupo sa pinakadulong upuan, nakatingin sa labas ng bintana… at tila may tinitimbang na lihim na siya lang ang nakakaalam. Para kay Prof. Ederson Nolasco, si Xyrel ay isang palaisipan. Sa una’y awa lang ang naramdaman niya—hanggang sa dahan-dahan itong nagbago. Ang pagnanais niyang tulungan ang dalaga ay nauwi sa pagkagusto, at ang simpleng curiosity ay naging panganib na di na niya mapigilan. Bawal. Mali. Pero bakit tila mas lalong humihigpit ang tali sa pagitan nila sa bawat titig, sa bawat lihim na sandali, at sa bawat salitang hindi dapat marinig ng iba? Sa isang mundong hinuhusgahan ang bawat maling pag-ibig, pipiliin ba ni Prof. Ederson ang tama… o ang tanging taong nagparamdam sa kanya ng tunay na damdamin?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
Romance
1010.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status