My Brother's Bestfriend
“Siyempre kapag nalaman ni kuya na kasama ko siya sa bahay at nagkakagustuhan kami, baka magalit ‘yun. Baka masira ang friendship nila ng dahil sa akin.”
“Why don’t you try to talk to your brother? Malay mo maiintindihan ka niya.” paliwanag ni Kimberly. “Malay mo naman, baka gusto din niya si Josh para sa’yo. Mas okay na ‘yun, at least kilala niya na si Josh. Hindi na siya mag-aalala na baka lokohin or saktan ka, dahil kabisado niya na kung ano ang ugali ng kaibigan niya, di ba? At saka anong klaseng ugali ba meron ang kuya mo? Strict, overprotective, masungit? Like that ba?”
Kim has a point, though. Bakit hindi ko kaagad naisip iyon?
Bab Populer