The First Daughter's Bodyguard
"Dad, okey lang ho."
"No, hindi okey 'yon sa akin. Inuna ko ang paglilingkod ko sa bansa ng ilang taon, at kanina, kahit isang saglit lang di ko magawang unahin ang pagiging ama ko sa'yo. Lumaki kang malayo sa akin. Ni hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo. Hindi tayo nakapaglaro, kasamang magbakasyon, umakyat sa mga bundok, magkaroon ng bonding bilang mag-ama. Lahat 'yon nawala dahil naging abala akong makamit ang pangarap kong maging Pangulo ng Pilipinas. Inaamin ko anak, siguro, sasabihin ng karamihan na ako na ang Best President kaya lang, questionable pa rin ang pagiging isang mabuting ama ko."
Bab Populer