A Tale That Wasn't Right
Dalawang bata ang pinagtagpo ng ‘di inaasahang pangyayari.
Si Sidharta Gabriel Palma,isang ulila at nasa poder ng kaniyang lola kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si June. Maaga silang naulila nang mamatay ang kanilang mga magulang. Tanging ang lola na lamang nila ang nagtataguyod upang sila ay makapag-aral. Maagang nagtrabaho si Junr upang makatulong sa kaniyang lola at para na rin saluhin ang kaniyang kapatid na si Sid.
Nang minsang lumuwas sila ng Ormoc galing Camotes, habang nakasakay sa de-motor na bangka ay nahagilap ng kaniyang mata ang isang batang nalulunod, si Aroon.
Si Aroon ay isang batang nagnanais na makita ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa naglalakihang alon. Dito niya nakikita ang sagot sa kaniyang pangungulila.
Tila tadhanang magkatagpo ang dalawa dahil dito nagsimula ang di inaasahang pagkakaibigan na nabuo sa maikling panahon.
Sa loob ng maikling panahon ay nakabuo sila ng pagkakaibigan na hindi matutumbasan ng kahit na ano.
Pinagtagpo ngunit agad ding nagkalayo. Nangakong magkikitang muli at hindi na maghihiwalay pa. Ngunit paano kung sa panglawang pagkakataon ang tadhana’y hindi ma pumabor sa kanila? Ipaglalaban ba nila ang kanilang mga pangako? O hahayaan nalang itong maging isang pangakong napako?
Magsasama tayong dalawa. Pangako yan…