I Love You, 1046
Napapikit na ako sa sobrang kahihiyan, kung kanina ay napatingin pa lang sa amin ang iilan sa mga kaklase, ngayon ay lahat na sila nakuha namin ang atensyon.
Hindi pa ako nakaka-recover ng may bigla namang nagsalita,
“Ayie...sinong crush mo, Carmi? Sana all nalang talaga! Ang swerte naman no’ng naging crush mo!” gatong ni Jordan.
Agad kong dinepensahan ang sarili, “Hala hindi ah! Wa-Wala akong crush.” sabay tingin kay Vaness.
Kasi naman masyado siyang mabunganga, ayan tuloy ang mga bagay na pwede namang itanong sa mahinahong tono ay naisisigaw niya bigla at ang ending ay naririnig ng iba.
Bab Populer