The Other Woman of the CEO
Agad silang nagtungo sa isang restaurant sa mall para makatikim ng mga pagkaing Pinoy na hindi pa natitikman ng kambal.
"Mommy, ang daming pagkain! Ano po itong may sabaw?" tanong ni Aniego, mataimtim na tinitingnan ang menu habang umiikot ang mata sa bawat larawan ng pagkain.
"Tawag diyan ay bulalo, anak. Siguradong magugustuhan ninyo!" tugon ni Alona na may ngiti habang nakikita ang pagkamangha ng kambal. Nag-order siya ng bulalo,lechon sinigang, adobo, at pancit—isang halo-halo ng paborito niyang mga pagkaing Pinoy, para malasap ng mga bata ang sari-saring lasa ng Pilipinas.
Bab Populer