My Ninong's Contract Wife
"Eh bakit din? Kapag nasa klase, 'di ba binubuwisit mo ako? Kaya deserved mo ring mabuwisit! Huwag ka na kasi sa kaibigan ko, hindi ka magugustuhan no'n!"
"Bakit ba kasi? Mayroon ba siyang boyfriend? Naka-secret relationship ba siya?" curious niyang tanong.
Pumiksi si Carla. "Hindi ko sure eh. Kasi wala naman siyang sinasabi sa akin. Minsan, nakikita ko siyang masayang nagtitipa s kanyang cellphone. Alam mo iyong mukhang ka-chat mo ang crush mo? Ganoon ang itsura niya. Minsan naman, papasok yan ng sobrang lawak ng ngiti sa labi! Ganoon! Minsan naman, malungkot siya o 'di kaya buwisit na akala mo may pinagselosan. Basta! Hindi ko mahuli pa eh. Pero malay natin, baka nga may boyfriend na siya
Bab Populer