THE UNFAITHFUL WIFE
“Lo, antagal no’n. Ilang araw pa lang ako rito, ramdam ko na yung tagal ng hindi naman pag-uusap at pagkikita. Yung taon pa kaya ang bibilangin?”
“Kung iyon ang iniisip mo at binibilang mo ang pagdaan ng oras, araw, linggo at buwan. Huwag mo na munang dagdagan ang pressure ng pag-ibig ang atensiyon mo sa pag-aaral mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin.
"Hindi sa pinagbabawalan kitang may karelasyon apo, ngunit pagkatapos mong mag-aral at makamit mo na ang pangarap mo, hindi na kita pipigilan.”