The Contractual Wife
Umayos lang ito ng upo, saka siya nginisihan, "okay lang naman, at least, habang nasa inyo ka nitong nakaraan, nasa akin naman siya. Alam mo Dahlia? kaya pala hindi ako masyadong kampante kapag kasama ka ni Harvy, yun pala, balak mo nga siyang agawin sakin."
"Wala akong magagawa kung nahumaling sakin ang asawa ko. Magaling kasi akong mag alaga, saka hindi ako gastador Audrey. Alam kong pahalagahan ang kinikita nila, eh ikaw? ano bang ambag mo sa buhay niya aside sa pagiging sexmate? meron ba?"
"Masyadong matalas ang dila mo Dahlia. Baka kainin mo yan sa pagdating ng panahon."