CEO'S UNEXPECTED BABY
Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon, hindi pa rin naitatago ng kanilang mga mata ang lungkot, lalo na ni Amara, ang aming panganay, na lubos na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ina.
Samantala, ang dalawang kambal ay abalang masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Si Sitti, na likas na masayahin, ang laging nagbibigay liwanag at ngiti sa amin. Sa kabilang banda, ang kanyang kakambal na si Stanley ay mas malalim mag-isip at laging may malawak na pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang nagiging sandigan namin, habang si Amara, mula nang pumanaw ang kanyang ina, ay naging mas seryoso at mas nagtuon sa lahat ng bagay.
Hot Chapters