Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Finding Daddy

Finding Daddy

Nicolet Mae Talessdo, mabait, matlino at magandang bata. Sa napakamura nitong edad ay nakitaan na ito ng mga talent na higit para sa kanyang gulang. Ngunit sa kabila ng mga bagay na kanyang nakukuha at ibinibigay sa kanya ni Maeve, ang kanyang mommy, nanatiling kulang. Lumalaki si Nami na may pagtataka kung sino ang kanyang tunay na ama ngunit hindi iyon magawang sagutin ng kanyang ina. Gusto niya magkaroon ng ama tulad ng mga bata kung kaya nang sandaling makauwi sila ng kanyang Mommy Maeve sa Pilipinas ay agad niyang sinimulan ang paghahanap sa kanyang tunay na ama. Nang sandaling makita niya si Nicholas Sandoval, ang boss ng kanyang mommy, tinawag niya itong ‘Daddy’. Ano ang kaugnayan ni Nicholas kay Nami? Siya na ba ang tunay na ama ni Nami? Abangan ang mangyayari sa buhay ni Maeve at ang paghahanap ni Nami sa kanyang tunay na ama.
Romance
107.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito. Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong hindi matatakasan. Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanilang mga puso sa isang bagay na hindi nila lubos akalain na mangyayari.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa. *** Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya. Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa. Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag. Ang puso ni Drako. At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa. Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?
Romance
9.910.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Stay-In Tutor

The Stay-In Tutor

A romance story that revolves around a woman who enters a challenging job. Sa kabila ng malagim niyang nakaraan, sinubukan mabuhay ng normal ni Safirah kahit mag-isa na lamang siya sa buhay. Pinilit niyang huwag tumanggap ng kahit anumang tulong mula sa ama na matagal na niyang kinamumuhian. Kahit alam ni Safirah na mayaman ang kanyang ama ay pinili niyang humanap ng sariling ikakabuhay hanggang sa pumasok siya sa buhay ni Terence na siyang magiging amo niya. Makakayanan niya kayang pigilin ang sarili na hindi umibig sa kanyang amo o paninindigan niya ang pagiging man-hater dahil sa naranasan mismo ng kanyang sariling ina sa ama niya noon?
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
SLAVE OF THE ARROGANT CEO

SLAVE OF THE ARROGANT CEO

"Come, sit here" itinuro ni Bryan ang kanyang hita kung saan nya gustong paupuin si Nathalie. Agad naman itong sinunod ni Nathalie. Umupo nga sya sa hita nito na nakaharap sya sa table. "No, that's not how I want you to sit. Humarap ka sa akin and both of your legs should be opposite side of my thigh". Hindi malaman ni Nathalie ang gagawin dahil tanging bistida lang ang suot nya na hanggang legs dahil yun ang sabi ni Bryan. "Ahm kase Bryan bistida lang suot ko e ,pwedeng magpalit muna ako? Magsusuot lang ako ng underwear" Sagot naman ni nathalie dahil wala nga naman syang suot na pang ibaba. Tatayo na sana si Nathalie ng bigla syang hawakan ni bryan sa magkabilang bewang nya at iniangat sya nito, pinaupo sa kanyang hita na ngayon ay magkaharap na silang dalawa at ang dalawang hita ni Nathalie pinag-isahan ng dalawang side ng legs ni Bryan, dahilan para maramdaman ni nathalie sa kanyang gitna ang matigas na bagay sa loob ng boxer nito dahil wala syang suot na underwear. " I don't care kung wala kang Bra at underware dahil tulad nga ng sinabi ko, kapag nandito ako sa bahay you have no right to wear undies, only dress." galit na sabi nito. Hep hep hepppppp HAHAHAHAHA "This story is puro imahinasyon ko lamang at bawal sa bata, for adult only okay?? Hahaha kung ikaw ay 18 years old pababa, bawal ka dito. Understood? HAHAHA Enjoy reading mga ante" hahaha
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
823.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Now He Wants Me Back

Now He Wants Me Back

“Nagliligpit ka…” puna ni Cassian sa ginagawa ni Ember na naabutan. “Why? Tapos na ba ang selebrasyon sa birthday ko?” Pilit na ngumiti si Ember at sinalubong ang mga tingin ni Cassian. “Naisip ko na hindi naman ako ang gusto mong kasama ngayon kaya hindi na ito kailangan. And about your birthday… may naisip akong mas magandang regalo para sa ‘yo. Sigurado kong magiging ma—” “Huwag ka na mag-abala,” putol ni Cassian sa sasabihin niya. “Hindi ko kailangan ng regalo mula sa ‘yo.” Natigilan si Ember. Napakurap. Mapait na nangiti sa sarili. Paano niya bang minahal ang lalaking ito sa harap niya nang gano’n katagal? Hindi lang lima kung hindi lampas dekada na espesyal ito sa kaniya at nag-iisang itinangi. “Promise,” muling wika ni Ember. “Promise at magugustuhan mo ang ireregalo ko. I want divorce, Cassian.” *************** Nang bumalik si Lauren, ang stepsister at dating kasintahan ng asawa niyang si Cassian Montgomery Syquia... alam na agad ni Ember na wala siyang laban. Mula pa noon ay alam ni Ember na si Lauren lang ang minahal ng asawa. At kahit ang sariling ina ay ito ang laging pinapaboran. Kaya bago pa siya masaktan ng lubusan, nagdesisyon si Ember na makipag-divorce para magparaya. Pero si Cassian? Bakit nang sabihin ni Ember na mag-divorce sila ay ayaw nito? At bakit kung kailan ayaw na niya ay saka naman ito naging interesado sa kaniya?
Romance
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Romance
108.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status