My Secret Husband
Hinayaan ko nalang at nagsimula na kaming kumain at galit muna kami sa isa't isa dahil kumain kami, ganon naman lagi ang seremonyas kapag kumakain kami depende nalang kapag family dinner ay talagang magsasalita at magsasalita kami.
Pagkarating namin sa mall ni Cody ay sabay narin kaming nag punta sa National Book Store para doon bilhin lahat ng kailangan naming dalawa, medyo marami rami din ito kaya sinama namin si kuya edgar family driver namin at si kuya baste na personal bodyguard namin ni Cody para narin hindi mabigat si Cody sa bibibitbitin nya.
"Anong uunahin nating bibilhin?" tanong ni Cody kaya naman tinignan ko yung listahan namin at nangunguna don ang Binder na kakailanganin namin