Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1037.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The CEO'S Abandoned Wife

The CEO'S Abandoned Wife

Lunoxlovesyou
Si Julia Perrywickles ay inabandona ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad at napunta siya sa Isang bahay ampunan. Pinangarap niya na makadama ng pagmamahal ng Isang pamilya pero malabo itong mangyari hanggang sa pinakasalan niya si Harry Warner na Isang CEO na itinuring niyang kanyang kaligtasan. Inakala niya na masaya at madali ang buhay Kasama ang lalaki pero doon siya nagkakamali. Kabaligtaran lamang ang nangyari ng kanyang inaasahang masayang buhay. Lalo siyang nakaranas na abandonahin dahil harapan niyang ipinamumukha ang pambababae niya. Kung kaya siya tinaguriang "The CEO'S Abandoned Wife" Si Daniella na kanyang kabit ay Isang prostitute at naghahangad na umangat ang pamumuhay kaya pumatol sa lalaking may asawa. Ngunit paano kapag nalaman niya na hindi iba sa kanya ang Asawa ng kanyang nobyo?? At isang araw ay dumating sa buhay niya si Herbert Warner ang lalaking nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pero paano kung Ang lalaking ito ay Kapatid pala sa ama ni Harry at mortal nitong kakompitensya sa lahat ng bagay?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Arranged Marriage to the Cold-Hearted CEO

Arranged Marriage to the Cold-Hearted CEO

Prologue Celine Dela Cruz never imagined na mauuwi sa ganito ang buhay niya. Sa probinsya, simple lang ang mundo niya—gising ng maaga para tumulong sa tindahan ng pamilya, makipagbiruan sa mga kapatid, at mangarap na balang araw… magkakaroon din siya ng love story na parang sa pelikula. Pero isang gabi, habang sabay-sabay silang kumakain, bumagsak ang bombang hindi niya inasahan. “Anak…” mabigat ang boses ng tatay niya. “May kasunduan tayo. Ikakasal ka.” Nag-freeze si Celine. “What? Papa, seryoso ka ba?” At doon niya narinig ang pangalan. Liam Alcantara. CEO ng Alcantara Group. Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Maynila. Mayaman, guwapo raw sabi sa mga balita, pero kilala ring cold at walang puso. Arranged marriage. Hindi niya choice, hindi niya gusto. Pero dahil nalulunod na sa utang ang pamilya niya, wala siyang nagawa. Sa moment na iyon, narealize niya—hindi lahat ng love story nagsisimula sa kilig. Minsan, nagsisimula ito sa kontrata. At minsan, ang taong akala mong magpapabagsak sa’yo, siya pala ang matututunan mong mahalin.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Substitute Mrs. Craig

The Substitute Mrs. Craig

Paano kung ang babaeng pinakasalan mo ay matutuklasan mong isa lamang impostor? Kambal Sina Janice at Jasmine. Nang bumalik si Denver sa Pilipinas ay pinakasalan nito ang inaakala niyang kasintahan na si Janice. Ngunit matutuklasan niyang ang kakambal nitong si Jasmine ang nagpanggap na si Janice at ito ang pinakasalan niya. Ang totoong Janice ay nabuntis ng ibang lalaki. At nakipagsabwatan si Jasmine sa kakambal para matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya nito lalo na ang amang may sakit. In short, niloko at pinaglaruan siya ng kambal! Ngunit hindi iyon maaring malaman ng buong pamilya ni Denver kung hindi ay maaapektuhan ang posisyon niya sa kompanya bilang CEO. Kaya inilihim niya ang totoo sa kanyang pamilya at ibang tao. Ang nararamdamang pag-ibig para sa asawa ay nauwi sa pagkamuhi. Tiyempo namang muling bumalik sa buhay niya si Rosemarie, ang kanyang first love. Ipinagtapat niya kay Rosemarie ang lahat at unti-unti ay nagiging malapit silang muli sa isa't-isa. Ngunit habang tumatagal ay narerealize niyang mahal na mahal na niya si Jasmine. Pero paano niya mamahalin ang babaeng pera lamang niya ang habol sa kanya? Habang si Jasmine naman ay nainlab na ng todo kay Denver ngunit paano paniniwalaan ni Denver na tapat ang pag-ibig niya rito lalo pa at sirang-sira na ang pagkatao niya sa paningin nito? Idagdag pang ginugulo ang utak niya ni Damian. Ang pinsan ni Denver na handa siyang tanggapin ano man ang kasalanan at pagkatao niya. Ngunit sa huli, ang pag-ibig pa rin ni Denver ang pipiliin niya.
Romance
1089.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Maalindog na Charlie Wade

Ang Maalindog na Charlie Wade

Sa Charlie Wade ay ang manugang na nakatira sa bahay ng kanyang asawa na kinamumuhian ng lahat, ngunit ang kanyang tunay na pagkatao bilang tagapagmana ng isang makapangyarihang pamilya ay nanatiling isang lihim. Sumumpa siya na isang araw, ang lahat ng tao na nanghamak sa kanya ay luluhod sa kanya at hihingi ng awa sa huli!
Urban
9.74.7M viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (753)
Read
Idagdag sa library
Pol Maya
kainis Naman..dalawang kabanata lng araw2x..ano pa't.my..pa top up pang nalalaman..daming magagandang basahin..Hindi mabasa -basa..dahil sa dalawang dalawang kabanata lng.ilalabas araw2x..ano silbi Ng top up Kung dalawa lng na kabanata ilalabas araw2x😠😠😠😠😠😠
Marivic Serrano
nkkabitin ,nkkaexcite abngan ang mga susunod n kbnata .msydong interesting ang nllpit n suprise ni charlie ky claire ..wooohhh..,srap bshin at subaybayn .sna mgkaroon ng gnito telenovela n mppnood at subaybyn s television at mggling n actor at actress ang llbs ..wooh..very interesting tlga.
Basahin ang Lahat ng Review
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
Read
Idagdag sa library
The Rented Wife

The Rented Wife

Mag-isang tinataguyod ni Renice Ocampo ang kaniyang pamilya matapos ang trahedyang nangyari sa kanilang ama noong sila'y bata pa. Magmula noong mawala ang kaniyang ama, siya na ang umako sa responsibilidad nito, na ginagawa rin naman niya dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay nito. Ngunit kahit anong pagtatrabaho ni Renice ay lugmok pa rin sila sa kahirapan, at hindi na makakabangon pa. Pero kahit gano'n, hindi titigil ang dalaga hanggang hindi niya nabibigyan ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Handa niyang gawin ang lahat mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya, na dapat naman ay talagang kanilang tinatamasa kung hindi lang namatay ang kanilang ama. Hanggang sa makilala niya ang bago niyang boss na nais siyang rentahan upang maging asawa nito, at handa siyang sweldohan sa kahit magkanong kaniyang naisin. Ito na ba ang simula ng magandang buhay na minimithi ni Renice? O ito ang simula ng buhay na muli niyang nais matakasan? Let's find out.
Romance
1044.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya?
Romance
1016.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Romance
9.93.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status