HEAL MR, MY BILLIONAIRE FAITH HEALER
LUKE IVAN CLARK A.K.A. MANG BERTING
Sa likod ng kanyang pagiging bilyonaryo at may-ari ng malalaking negosyo, may ibang pagkakakilanlan si Luke Ivan Clark—kilala ng marami sa kanayunan bilang “Mang Berting.” Sa gitna ng mga probinsya sa Timog Luzon, siya ay iginagalang at kinikilala bilang isang bihasang manggagamot. Namana niya ang natatanging kakayahan at kaalaman sa pagpapagaling mula sa kanyang yumaong lolo na si Roberto Ivan. Sa loob ng mahabang panahon, marami na siyang natulungan at napagaling, maging sa mga karamdaman na sinasabing mahirap lunasan ng karaniwang gamutan.
Sa kabilang banda ay si Dahlia Perez—isang dalagang labis na takot sa mga doktor, ospital, at makabagong me