Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival
Labindalawang taon ng pag-ibig, katapatan, at pangako—winasak sa isang iglap ng putok ng baril.
Buong akala ni Andrea, alam na niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa loob ng higit isang dekada, ibinigay niya ang lahat—tiwala, pasensya, at sarili sa lalaking tinawag niyang fiancé. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay pananatili. Pagpili araw-araw. Kahit masakit.
Hanggang sa Araw ng mga Puso.
Habang nasa bingit sila ng kamatayan, isang baril ang nakatutok at sa sandaling iyon, malinaw na malinaw kung sino ang pinili ni Edward. Hindi si Andrea. Kundi ang ex niyang si Margaret. Siya ang niyakap. Siya ang pinrotektahan. Si Andrea ay iniwang duguan, sugatan, at parang hindi kailanman minahal.
“You almost died!” sigaw ni Lira.
“And he didn’t even look at me,” sagot ni Andrea, basag ang boses. “Parang wala lang ako.”
Sa pagitan ng wasak na puso at natitirang dangal, gumawa si Andrea ng isang desisyong walang atrasan. Pinakasalan niya ang pinakamakapangyarihang kaaway ni Edward, ang lalaking kinatatakutan sa mundo ng negosyo na si Dylan Reed Romero, bilang paghihiganti.
Ngunit si Dylan ay hindi simpleng rebound.
Siya ay dominante. Mapanganib. Mapang-angkin.
At sa kabila ng lamig niya ay may isang uri ng proteksiyong hindi kayang ibigay ng lalaking minsan niyang minahal.
Ngayon, nahaharap si Andrea sa pagitan ng isang pag-ibig na bumigo sa kaniya, at isang lalaking maaaring humingi ng higit pa kaysa sa kaya pa niyang ibigay.
Sa huli, magiging una na ba siya sa puso ng isang tao—o tuluyan na niyang mawawala ang sarili habang sinusubukang magmahal muli?