SWEET PUNISHMENT
May mga pahina ring tila walang kabuluhan sa una, ngunit kapag nagtagal, doon mo makikita na iyon ang mga bahaging nagbigay-kulay at kabuluhan sa ating kwento.
Hindi tayo ang nagtatakda kung kailan mabubuksan o isasara ang ating kuwento, ngunit tayo ang may hawak ng panulat na naglalahad ng bawat salita, bawat pangyayari. Maaaring may mga bahaging hindi natin nasusulat ng maayos, may mga pagkakamaling nagdulot ng mga guhit at marka sa pahina, ngunit iyon din ang nagpapaganda at nagpapakatao sa kwento ng ating buhay.